^

PSN Showbiz

May gustong patunayan, Kris pinilit tumanggap ng award kahit may sakit

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon
May gustong patunayan, Kris pinilit tumanggap ng award kahit may sakit

Bimby at Kris

May sakit si Kris Aquino nang tanggapin ang People of the Year 2018 Award. Ginawa sa Sofitel noong Lunes ang awarding kung saan, si Bimby Yap ang kanyang escort. Gawa ni Roland Mouret ang yellow gown ni Kris at gawa ni Bang Pineda ang Barong Tagalog ni Bimby.

Kahit may sakit, pinilit ni Kris na dumalo para personal na tanggapin ang award at magpasalamat na rin. “It was my way of showing all of you that NOT GIVING UP is what makes you a winner.”

May explanation pa si Kris kung bakit yellow gown ang suot niya sa awards night kahit pink ang favorite color niya. “I wore a yellow gown tonight because the fact is-tonight’s recognition happened because KCAP & i did it our way. We had no choice but to be outliers & disruptors. We had no recourse but to have the courage to take a risk, and guess what, the AUTHENTICITY is working. And i owe all this to you, the online community that has welcomed me when traditional broadcast media felt they no longer wanted nor needed me. So tonight is just me never getting tired of saying THANK YOU & i shall continue striving to be worthy of all the opportunities you have generously embraced me with.”

Dahil sa pagkakasakit ni Kris, hindi na nito itinuloy ang naka-schedule na TVC shoots.

Diego kuhang-kuha ang mannerisms ni Cesar

Ang ganda ng ginawa ng Regal Entertainment sa premiere night ng Mama’s Girl kung saan isinama ng cast ang mga nanay nila. Kasama nina Sofia Andres, Jameson Blake, Yanna Asistio at iba pang cast members ang kani-kanilang ina. Kasama naman ni director Connie S.A. Macatuno ang kanyang anak na lalaki at ang scriptwriter na si Gina Marissa Tagasa-Gil ay ang inang si Mely Tagasa ang isinama.

Hindi namin nakita si Teresa Loyzaga na siguradong ikatutuwa ang magaling na acting ng anak na si Diego Loyzaga. Pansin din na may anggulo at mannerism si Diego na parang ang dad niyang si Cesar Montano.

Simula na this Wednesday ang showing ng Mama’s Girl na kahit hindi pa-Mother’s Day ay magandang panoorin. Mas maganda kung gagawin itong movie date ng mga mag-ina.

Fans nina Jennylyn at Mark nabuhay

Ilang linggo lang ang pahinga ni direcrtor Mark Reyes after My Korean Jagiya dahil siya ang director ng new primetime te­leserye ng GMA 7 na The Cure. Nag-storycon na ang project na ang sabi ay tungkol sa zombies. Hindi na bago kay direk Mark ang concept na ito dahil mga zombie rin ang tema ng hit movie niyan­g Trip Ubusan. 

Tampok sa The Cure sina Jennylyn Mercado at Tom Rodriguez kasama rin sina Mark Herras, Ken Chan, Arra San Agustin, at Jaclyn Jose.

Kahit hindi sina Jennylyn at Mark ang magkatambal dahil si Tom ang kapareha ng aktres, masaya pa rin ang fans ng da­lawa (Jennylyn at Mark) na mapanood silang muli na magkasama. The last time na nagkasama sila ay sa Rhodora X.

Derek napa-react sa two piece ni Rhian

Patuloy ang pangangabog ni Rhian Ramos sa The One That Got Away.

Sobra ang mga like na nakuha ng latest photo niya na naka-two-piece at maging si Derek Ramsay ay nag-like. Sayang at hindi lang nag-comment ang aktor. Nag-trending worldwide at nationwide ang TOTGA at napansin naming mas maraming fans ni Rhian ang nagko-comment.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with