^

PSN Showbiz

Sikat na isawan sa UP campus tampok sa My Puhunan

Pilipino Star Ngayon
Sikat na isawan sa UP campus tampok sa My Puhunan

MANILA, Philippines — Para sa mga taga-University of the Philippines Diliman, hindi magiging kumpleto ang buhay sa UP kapag hindi mo natikman ang isaw sa Isawan ni Mang Larry ni Lauro Condencido, Jr.

Alamin ang kwento sa likod ng isa sa mga kinagigiliwang kainan sa UP kasama si Karen Davila ngayong Martes (Enero 16) sa My Puhunan.

Tubong Albay si Mang Larry na nagsimula bilang janitor dito sa Maynila bago nakita ang oportunidad para sa malaking kita sa pagbebenta ng isaw gamit ang P40 na puhunan noong 1984. Inilako ni Larry sa isang stroller ang kanyang mga isaw sa U.P. Diliman at sinigurong walang kemikal at puro natural na sangkap ang kanyang mga produkto para mas balik-balikan.

Lumago ang kanyang isawan hanggat nagkaroon na siya ng sari­ling pwesto sa loob ng Unibersidad. Sa pagdami ng mga bumibili mula sa labas ng UP, nagbukas na rin siya ng mga branch sa FEU Diliman, Maginhawa Street, at food park sa Visayas Avenue, kung saan marami pa siyang binebenta bukod sa isaw.

Alamin kung bakit patok ang timpla ni Mang Larry sa sikat na Pinoy meriendang ito at mabilib sa pakikipagsapalaran at tagumpay ni Mang Larry ngayong Martes (Enero 16) kasama si Karen Davila sa My Puhunan, 9:30 p.m. sa DZMM Te­leRadyo at pagkatapos ng Bandila sa ABS-CBN at ABS-CBN HD.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with