^

PSN Showbiz

Bagong Miss Belgium, Pinay din!

Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Bagong Miss Belgium, Pinay din!

MANILA, Philippines - Pinay din pala ang na­nalong Miss Belgium 2018 kaya asahang makakalaban ito ng kababayan nating magre-represent sa beauty pageants.

May nag-share kahapon ng official Instagram account ng Miss Belgium at makikita nga dun na sinusuutan ang Pinay na si Angeline Flor Pua ng sash na Miss Belgium.

Kita sa kulay at hitsura niya ang pagi­ging Pinay.

Base sa kanyang IG account marami nang sinalihang beauty pa­geant si Angeline.

Nauna na siyang nanalong #MissFilipinaEurope2016, Miss Antwerpen & Miss Publieksprijs 2018. Pilot student din siya.

Tatlong Pinay din ang maglalaban-laban sa Miss Intercontinental.

Tunay ngang namamayagpag ang dugong Pinoy pagdating sa mga beauty pageant.

Heart may malaking endorsement na ginagawa sa Thailand

Nasa Thailand pala si Heart Evangelista para sa isang commercial shoot.

Ayaw pang ipabanggit kung ano ‘yun pero ang clue raw ay iniinom daw ang produkto.

Kaya naman pala ang caption niya sa picture kahapon ay ‘missing home.’

Ilang araw na rin daw nasa Thailand ang actress.

Malaking endorsement daw ito ayon sa isang taong malapit kay Heart.

Wala pang balita kung ano’ng next project ni Heart after ng My Korean Jagiya na nagtapos lang last Friday.

Anak na nga kaya nila ni Sen. Chiz Escudero ang kanyang sunod na pagkakaabalahan?

Billy bumagsak ang katawan sa Keto

Usung-uso ngayon ang Keto diet. At maraming artista ang pumayat na rito.

Kasama nga sa listahan si Billy Crawford na ikakasal this year kay Coleen Garcia.

Pero imbes na bagayan ng kapayatan, parang bagsak ang katawan ni Billy ‘pag napapanood sa It’s Showtime.

Oo nga naman at gusto niyang pumayat pero sana ‘yung bagay din naman sa kanya.

Baka rin may mga binabagayan ang Keto diet.

Pero pagdating sa perfor­mance, walang duda na pang-world class nga si Billy. Last Sunday ay ipinakita nila ni Sarah Geronimo ang world class talent nila sa isang prod number sa ASAP.

Pagiging racist daw ni Robin ipinagtanggol ng Briton

Nakakuha ng kakampi si Robin Padilla sa isang Briton na blogger.

Pinuri ang kanyang pagiging makabayan at kinontra ang bintang sa kanyang racist matapos pagsabihan ang isang Korean na dapat siyang mag-Tagalog habang nakikipag-usap sa kanila  sa Pilipinas Got Talent (PGT) nang sumali ito.

Siyempre, nakatikim si Robin ng pambabatikos sa social media. Pero pinanindigan niyang wala siyang ginawang masama at wala siyang pinagsisihan kahit na nga binira-bira siya.

Inilagay niya sa kanyang IG account ang sulat sa kanya ng nasabing Briton na ang pangalan ay Malcolm.

Bahagi ng sulat/mensahe nito: “I just thought I would write to you personally to congratulate you on the patriotism and love that you have shown for your country.

“As I am sure you are aware, like you, I love the Philippines very much. In fact, my greatest dream would to one day become a Filipino citizen as well as course retain my British nationality as I love both countries equally.

“I have watched the clip of Pilipinas Got Talent several times where a Korean national is performing a magic set as part of his audition to the judges. The contestant explained that he had grown up in the Philippines but had not learnt Tagalog as he attended an international school.

“To me, this is not really an excuse. If you have grown up in the Philippines and clearly called the Philippines your home, you should at least make some effort to learn the language. When the Korean national got into his act, clearly he can in fact understand and speak a little Tagalog.

“You are an incredible ambassador for the country and a much loved icon on Philippine cinema. “Thank you also so much for supporting President Rodrigo Duterte, who like yourself loves the Philippines and her people very much.

“You were never racist at all, as some filipinos have claimed, in fact I truly wish others were able to be outspoken and stand up for their beliefs in a very clear and passionate manner.
Mabuhay ka sir at maraming salamat po.“

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with