^

PSN Showbiz

Regine araw-araw kinakantahan at pinatatawa ni Ogie

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon

Sobrang contended as a wife and mother ang Asia’s Songbird na si Regine Velasquez-Alcasid na kanyang ibinahagi sa presscon ng kanilang upcoming pre-Valentine concert at the Mall of Asia Arena sa darating na Feb­ruary 10, 2018 at 8 p.m. na pinamagatang #paMORE. Pinagsasamahan nila ito ng kanyang mister na si Ogie Alcasid, ang Concert King na si Martin Nievera at Prince of Ballad na si Erik Santos mula sa stage direction ni Paolo Valenciano with Raul Mitra as musical director.

Ang press conference ay ginanap sa Quezon 1 Ballroom ng Seda Hotel Vertis North last Monday ng tanghali.

Ayon kay Regine, masuwerte umano siya kay Ogie dahil bukod sa pagiging responsible husband and father nito, sobra umano itong malam­bing, mabait, thoughtful and sweet. Walang araw na hindi raw siya kinakantahan at pinatatawa nito.

Samantala, kahit pa­re­hong busy sa kanilang respective career sina Ogie at Regine, they always make it a point na meron silang oras para sa isa’t isa at sa kanilang anak na si Nate (6) ganun­din sa panganay ni Ogie sa una nitong misis na si Michelle van Eimeren na si Leila.

Beauty initsapuwera ni Ellen?!

Firm ang veteran talent manager at entertainment columnist ng dyaryong Pilipino Star NGA­YON (PSN) at Pang Masa (PM) na Manay Lolit Solis sa kanyang ibinalita sa January 5 column niya na ikakasal na umano ang controversial pair na sina John Lloyd Cruz at Ellen Adarna.

Inaasahan na magaganap umano ang beach wedding either sa last week of January o ‘di kaya sa unang linggo ng Pebrero 2018. Ayon kay Manay Lolit, very reliable ang kanyang source na malapit sa Kapamilya lovebirds. Pero ang balitang ito ay ki­non­tra ng isa sa malalapit na kaibigan ni Ellen na si Beauty Gonza­les during the final presscon ng magtatapos na teleserye ng Dos na Pusong Ligaw. As far as Beauty is concerned ay wala umanong kasal na mangyayari sa ngayon dahil tiyak na ma­la­laman niya kung ito’y totoo. Unless initsapuwera siya ng best friend.

At kung sakaling totoo ang ibinalita ni Manay Lolit sa kanyang column, wala naman sigurong ma­sama. Mas marami pa ang matutuwa dahil magiging legal na ang pagsasama ng much-talked about couple laluna’t malapit na silang magka­anak na hanggang ngayon ay hindi pa rin inaamin ng dala­wa publicly.

Erik natitigalgal sa mga idol

Ang maka-share in the same concert stage ang mga hinahangaan niyang music icons na sina Martin Nievera, Regine Velasquez at Ogie Alcasid ay isa nang malaking karangalan para kay Erik Santos.

“Dati, hinahangaan at pinapanood ko lang sila.  Ngayon, nakakasama ko na sila sa sa mga shows at concerts. Sobrang nakaka-overwhelm ang pakiramdam,” pag-amin ni Erik during the #paMore presscon sa Seda Hotel.

Nung isang taon ay nakasama si Erik sa Ro­yals concert na ginanap din sa SM MOA Arena nung February 13, 2016 sina Martin, Regine at ang naging rumored girlfriend ni Erik na si Angeline Quinto. This time sa #paMORE minus Angeline.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with