^

PSN Showbiz

Jenine sinusumpa sina Janella at Elmo!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon

Tama pareho ang hula na si Janella Salvador o Elmo Magalona ang tinukoy ni Jenine Desiderio sa blind item post nito sa Facebook na nag-gate crash sa Christmas reunion.

From a source, nalaman naming magkasama sina Janella at Elmo na twice nag-gatecrash ng Christmas reunion ng pamilya nina Jenine. Post pa ni Jenine, hindi na siya tumuloy nang malamang nasa party na ang magka-love team.

Parang matagal na ang isyu nina Jenine at Janella at mukhang hindi pa tapos dahil damay pati si Elmo. Nalulungkot ang fans ng magka-love team at dasal nila ay maayos na ang anumang problema ng mag-ina.

Dalawang pelikula ni Janella sa Regal Entertainment ang ipalalabas this year, mauuna sa Valentine’s Day ang My Fairy Tail Love Story with Elmo at sa June ang So Connected with Jameson Blake.

Megan biglang naging lantaran ang pagka-in love kay Mikael

Nag-disagree kami sa comment ng obviously hindi fan nina Mikael Daez at Megan Young na papansin ang couple dahil lang sa birthday greetings ng aktres sa boyfriend. Birthday ni Mikael noong January 6, at nag-post si Megan ng photos nila at birthday message.

Sabi lang ni Megan, “Happy birthday to my best friend, travel buddy, gym buddy, and FOFO. Big three zero for this guy, And...For us it’s year number 7 together! Always such a happy day with this lo­verbutt.”

Seven years na ang relasyon ng dalawa at noong sumali sa Miss World Philippines si Megan ay hindi sinira ni Mikael ang usapan nilang hindi aaminin ang kanilang relasyon. Ang tagal ding nanahimik ni Mikael, pero alam ng press ang totoo, kaya bilib sa kanya ang mga reporter.

Anyway, matagal na ring magkasama sa GMA 7 sina Mikael at Megan, pero sa Afternoon Prime lang na The Stepdaughters na airing this January sila magtatambal.

Marian mas lumiit pa ang beywang

Hindi namin napanood nang buo ang Sunday PinaSaya last Sunday kaya hindi namin alam kung alin sa isinuot ni Ma­rian Rivera ang pinuri na super sexy at parang hindi nanganak. Kahit ang ibang fans ng mga kasama ni Marian sa SPS ay napansin din ang kaseksihan ni Marian.

Balik na ba uli sa 19 inches ang waistline ni Ma­rian o baka mas lumiit pa?

Anyway, in-announce na ng GMA 7 na last three weeks na ng Super Ma’am, ang action/fantasy series. Sa January 26 na ang final episode nito.

Angel kinilig din kina Dennis at Jennylyn

Siguradong masaya sina Dennis Trillo at Jennylyn Mercado sa comments ng ipinost nilang photos sa bakasyon nila sa Bohol. May nagsabing relationship goals silang dalawa at dapat ay magpakasal na.

Marami nga ang kinilig sa photo nilang silhouette na magkayakap, lalo na ang solo picture ni Jennylyn na kuha ni Dennis na naka-sexy red one-piece swimsuit ang aktres.

Sa picture nina Dennis at Jennylyn na magkatabi at naka-focus sa kanilang mga paa, nag-comment si Nikka Garcia, misis ni Patrick Garcia ng, “Aww! Enjoy enjoy lovebirds!”

Pati si Angel Locsin ay nag-comment na ikinatuwa ng fans ng dalawa.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with