^

PSN Showbiz

Maraming kuwento nagsulputan pa, Mestisang aktres sagad na ang kamalditahan Siargao tumaas ang kita!

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon

PIK: Nitong pagpasok ng bagong taon lang talaga nagsama bilang husband and wife sina Pancho Magno at Max Collins. Nung nalibre lang sila, kung saan bakasyon sila sa ta­ping ng show saka lang nailipat ni Pancho ang mga gamit niya sa bahay ni Max.

Gusto na nga raw sana ni Pancho na kumuha ng bahay nila, pero si Max na mismo ang may sabi na sa bahay niya muna sila habang nag-iipon pa para sa kanilang pamilya.

Wala naman daw ibinabawal si Pancho sa mga tatanggapin niyang project pero siyempre kailangan naman niyang isipin ang mararamdaman ng asawa sa mga eksenang gagawin.

Bahagi si Max ng bagong drama series ng GMA 7 na The One That Got Away. Ani Max, “Dapat  isipin ko lang ang gagawin ko, isipin ko rin siya kung ano yung mapi-feel niya if I take a job. I always have to consider ‘yung feelings niya. Pero wala naman siyang bawal  na gagawin ko. It’s more of kailangan ko siya i-consider bago ko tanggapin yung project.”

PAK: Ang daming nag-react sa kuwento namin tungkol sa mestisang aktres na nag-a-attitude sa set ng seryeng ginagawa niya. Nang malaman nila kung sino itong mestisang aktres na tinutukoy namin, may sarili rin silang kuwento sa ilang kamalditahang ginagawa nito.

Minsan daw nakatikim ng pambubulyaw ang bading na make-up artist na nag-ayos ng buhok niya sa isang shoot. Meron daw kasi siyang gustong make-up artist na gagawa, pero hindi ito ang nasunod dahil hindi yata kinaya ang budget.

‘Yung gumawa raw sa kanya ay hirap na hirap kumilos dahil nu’ng na-blower na raw ang buhok niya, panay ang sita ng mestisang aktres na nasasaktan siya. Maingat naman daw ang make-up artist sa pag-blower pero may reklamo pa rin ang mestisang aktres.

Mabait lang talaga ang make-up artist at nagtitimpi na lang, kahit gustung-gusto na raw niya itong sabunutan.

BOOM: Pagkatapos ng Metro Manila Film Fes­tival (MMFF 2017) sa January 7, ia-announce na ng MMFF Executive Committee kung magkano ang kinita ng naturang filmfest.

Ayon sa ilang napagtanungan namin, hindi pa naman daw naabot ang isang bilyong target pero malaki ang posibilidad na makuha ito hanggang Janua­ry 7. Ang nakakatuwa pa, ma­rami pa raw entries ang mai-extend dahil may mga sinehan pang maiiwan.

Sabi pa ng ilang source namin, ‘yung ilang pelikulang nasa panghuling puwesto noong first three days ng MMFF ay umariba ngayon at nilagpasan na raw ‘yung ilang pelikulang nasa pangatlo at pang-apat na puwesto.

Walang binabanggit kung ano’ng pelikulang ito, pero mukhang ang Siargao dahil gumaganda raw ngayon ang performance nito sa takilya pagkatapos ng awards night.

Ito nga raw ang nakinabang nang husto pagkatapos humakot ng awards. Kaya malaki ang posibilidad na puma­ngatlo na ito ng puwesto na sumusunod sa Gandarrapiddo at Ang Panday.

Ang nakakaloka lang daw, hindi humuhupa ang init sa takilya ang pelikulang nina Vice Ganda, Da­niel Padilla, at Pia Wurztbach. Kaya lalong luma­laki raw ang agwat nito sa pumapangalawang Ang Panday ni Coco Martin.

Curious lang kami ngayon kung nasa pang-ilang puwesto na ang Meant To Beh at Haunted Forest na nakikipaglaban pa noon sa pangalawa at pangatlong puwesto?

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with