^

PSN Showbiz

Pres. Duterte BET maging Presidente ng Pilipinas si Pacman

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Pres. Duterte BET maging Presidente ng Pilipinas si Pacman

President Rodrigo Duterte at Senator Manny Pacquiao

Love talaga ni President Rodrigo Duterte si Senator Manny Pacquiao dahil sa kabila ng busy schedule niya, may-I-attend siya sa birthday party ng Pambansang Kamao sa General Santos City noong Linggo.

I’m sure, bayolente na naman ang reaksyon ng detractors ni Papa Rody sa pralala nito na type niya na maging president si Papa Manny.

Mag-expect tayo na super active na naman ang mga nega sa pagbatikos kina Papa Rody at Papa Manny dahil hindi nila ma-take ang sinabi ng pangulo natin. Sorry na lang dahil favorite talaga ni Papa Rody si Papa Manny na hinulaan din ni Bob Arum noong April 2015 na magiging presidente ng Pilipinas, balang-araw.

Winwyn deserving sa lead role

May solo segment si Teresita Ssen Marquez sa Paskong Kapuso, ang Christmas Special ng GMA 7 na ipinalabas sa telebisyon noong Linggo.

May “K” na si Teresita na bigyan ng solo segment dahil international ang beauty title na hawak niya, ang Reina Hispanoamericana 2017.

Wish ko lang, mabigyan na rin si Winwyn, Teresita rather, ng mga lead role sa mga teleserye ng Kapuso Network dahil deserving naman siya, gaya ni Megan Young na bida sa Stepdaughters, ang coming soon afternoon teleserye ng GMA 7.

May mga napaluha nang mapanood nila ang Paskong Kapuso dahil masakit sa dibdib ang kuwento ng mga magulang na namatayan ng anak na sundalo na lumaban sa giyera sa Marawi.

Ang sabi ng televiewers, swak na swak ang pamagat na Paskong Kapuso dahil hindi basta kantahan at sayawan ang kanilang napanood, nagustuhan nila ang presentation ng inspiring stories na perfect talaga for Christmas.

Hindi raw nasayang ang pagpupuyat nila dahil may saysay ang Christmas Special na kanilang tinutukan mula umpisa hanggang katapusan.

Ruru mapapanood na sa dream project

Ipinakita sa Paskong Kapuso ang omnibus plug ng mga bagong programa ng GMA 7 na dapat abangan sa 2018, ang The One That Got Away na replacement sa timeslot na mababakante ng My Korean Jagiya ni Heart Evangelista; ang Hindi Ko Kayang Iwan Ka, ang afternoon prime na pinagbibidahan nina Yasmien Kurdi at Mike Tan; ang Contessa ni Glaiza de Castro at biggest break ni Jak Roberto dahil ito ang lead actor; ang Stepdaughters, starring Megan Young at Katrina Halili. Leading man ng Stepdaughters si Mikael Daez, ang real-life boyfriend ni Megan.

Malapit nang mapanood ang Sherlock, Jr., ang dream project ni Ruru Madrid. Co-stars ni Ruru sa Sherlock, Jr. sina Gabbi Garcia, Andre Paras, at AiAi delas Alas.

Masaya na naman ang entertainment press sa unang buwan ng 2018 dahil sure na sunud-sunod ang mga presscon para sa mga bagong programa ng Kapuso Network.

Kamaldituhan ng aktor hindi umubra sa manager

Confirmed na maldito ang aktor na feeling sikat at matalino.

May nagkuwento sa akin na inaway ng aktor ang personal assistant niya pero ito ang kinampihan ng kanyang manager.

Dahil ang aktor ang may pagkakamali, siya ang pinilit ng manager para mag-sorry sa PA na inapi niya.

Dati nang inirereklamo ang ugali ng aktor na feeling know it all. Hindi type ng showbiz reporters ang aktor dahil maarte at sinungaling ito.

Pikang-pika ang ibang mga reporter kapag iniinterbyu nila ang aktor dahil kahit wala sa harap ng mga kamera, may acting ang pagsasalita niya.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with