^

PSN Showbiz

Aktor nanggulat, ikakasal next month sa non showbiz girl! ; Goma may one-man exhibit!

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon

PaIKParang nahihiya pa si Derek Ramsay nang sabihin namin sa kanya na kung sakaling totoong beki si Edgar Allan Guzman ay siya ang type nitong dyowain.

Sabi ni EA sa presscon ng pelikula nila ni Joross Gamboa na Deadma Walking, “Gusto ko kasi ‘yung malakas ang dating eh. ‘Yung malakas ang sex appeal.

“Ang lakas ng appeal ni Derek. Tingnan mo naman ‘yung mga movies na ginawa nila ni Anne Curtis ‘di ba? Kahit kayo! Aminin n’yo ‘yan!

“Para sa akin kung magiging beki lang ako… kasi, I admire him, sa ganda ng katawan niya.”

Sagot naman ni Derek, “Thank you very much, I don’t know what to say. Pero hindi naman kami maglalaban eh.

“We’re all in here to help Philippine cinema, and we’re all gonna support each other. That’s my way of thinking.”

Ang dating kasi kay Derek, ipinu-promote na rin ni EA ang pelikula niyang All of You na makakatapat ng Deadma Walking sa darating na Metro Manila Film Festival (MMFF).

PAK: Meron palang ikakasal na kilalang aktor sa January 22, 2018.

Nagpadala na raw ito ng Save the Date sa mga malalapit na kaibi­gan, pero nakikiusap na huwag itong ipagsabi.

Galing ito sa isang reality show, at marami sa mga kaibigan niya ang nagulat na bigla na lang itong magpapakasal. Mauunahan pa raw nito ang mga nakasabayan niya.

Non-showbiz daw ang girl na pakakasalan ng aktor, kaya gusto nilang tahimik lang at hindi na kailangan pang pag-usapan.

BOOM: Magkakaroon pala ng one-man exhibit si Ormoc City Mayor Ri­chard Gomez sa Linggo, December 17 sa Pinto Art Museum sa Grand Heights Subdivision, Antipolo, Rizal.

Surface ang pamagat ng one-man exhibit ni Mayor Goma na ang kikitain ng mga mabebentang paintings ay para sa K.I.D.S. Foundation.

Sa gitna ng mga ginagawa niya sa Ormoc bilang alkalde, naisisingit ng ac­tor/politician na makagawa ng ma­ra­­­ming paintings para ma­kapag-one man exhibit.

Ang ilang bahagi ng kikitain niya sa naturang exhibit ay gagamitin din daw sa pagpapatayo ng playground para sa mga kabataan ng Ormoc.

Hanggang January 16, 2018 ang naturang exhibit, at inaasahang susuportahan ito ng mga kaibigan niya sa showbiz at pulitika.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with