^

PSN Showbiz

Unexpectedly… lumalaban sa Star Wars ; Dayanara nagluluksa! ; Jericho na-tension sa traffic!

SEEN SCENE - Pilipino Star Ngayon

Seen: Sa darating na Linggo, December 17, ang airing ng Paskong Kapuso, ang Christmas Special ng GMA 7. Si Louie Ignacio ang direktor ng Paskong Kapuso na pangungunahan nina AiAi delas Alas, Marian Rivera, Dingdong Dantes, Regine Velasquez at ng men and women ng GMA News and Public Affairs.

Scene: Nagluluksa si Miss Universe 1993 Dayanara Torres dahil sa pagpanaw ng kanyang ama na itinuturing niya na bayani, kaibigan at binibigyan siya ng lakas.

Seen: Tensyonado kahapon si Jericho Rosales dahil may flight ito kahapon pero naipit siya sa matindi na traffic situation sa kalye. Moral of the story, umalis ng mas maaga sa bahay dahil mas malala ang sitwasyon ng trapiko sa Metro Manila tuwing Disyembre.

Scene: Sina Mikee Quintos at Mikoy Morales ang mga bida sa Sirkus, ang upcoming television show ng GMA 7. Magkakambal sina Mikee at Mikoy sa Sirkus na produksyon ng GMA News and Public Affairs.

Seen: Ang GMA News and Public Affairs din ang producer ng Bongga Ka ‘Day na pagbibidahan nina Barbie Forteza at Derrick Monasterio. Kukunan sa Cebu ang mga eksena ng Bongga Ka ‘Day.

Scene: Extended hanggang February 2018 ang I Can See Your Voice dahil sa mataas na rating ng programa ni Luis Manzano. Natuwa ang mga co-star ni Luis at staff ng I Can See Your Voice dahil hanggang November 2017 lamang ang original plan na airing ng weekend show ng ABS-CBN.

Seen: Extended sa mga piling sinehan ang Unexpectedly Yours ng Star Cinema. Ang Unexpectedly Yours ang nag-iisang Tagalog movie na palabas sa mga sinehan dahil sa pagbubukas noong Miyerkules ng Star Wars: The Last Jedi.

Scene: May sakit si Sharon Cuneta nang dumalo ito sa kasal nina AiAi delas Alas at Gerald Sibayan noong Martes pero hindi nahalata dahil masiglang-masigla at masayang-masaya ang Megastar.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with