^

PSN Showbiz

Hunk actor gamit na gamit ang katawan sa madadatung na bading

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Malabong maghirap

Habang hindi pa siya nagpapaalam sa kabataan, habang maganda pa ang bulto ng kanyang katawan, habang visible pa siya sa pelikula at telebisyon ay sinasamantala na ng isang hunk actor ang pagkakataon.

Mautak ang hunk actor na ito, hindi na siya maghihirap kahit huminto na siya sa pag-aartista, sa ganito kaagang panahon ay napaghandaan na ng male personality ang kanyang kinabukasan.

Palibhasa’y galing siya sa buhay na hindi naman masagana habang lumalaki siya, siguro nga ay ipinangako ng hunk actor sa kanyang sarili na hindi na siya babalik pa sa kahirapan, kaya todo-kayod siya ngayon sa iba’t ibang paraan.

Napapanood siya sa mga serye, gumagawa rin siya ng pelikula, matunog pa rin ang kanyang pangalan dahil sa kanyang hitsura at magandang pangangatawan.

“Mabenta siya sa merkado. Siya ang pinipili ng madadatung na beki dahil bukod sa guwapo na siya, e, mabango pa. Flawless na kasi siya, e, matindi pa siyang magpahalaga sa hygiene, malinis siya sa katawan at mabangung-mabango talaga siya.

“Simple lang siya. ‘Yung kinikita niya sa paglabas-labas sa TV, e, kakarampot lang kumpara sa kinikita niya sa sideline niya. Maghapon ang taping niya, e, sa pakikipag-close niya sa mga beki, e, ang laki ng talent fee niya!

“Hindi siya napapahinga. May mga nakakarelasyon pa nga siyang milyonaryo, sunod ang luho niya sa azucarera de papa niya. Biyahe rito, biyahe du’n, bagong sasakyan, mga branded stuff, saan ka pa?” mahabang kuwento ng aming source.

Ayon sa aming source ay magaling sa pagkilatis ng kakarelasyunin ang hunk actor. Nagtatanung-tanong siya, kulang na lang na i-Google pa niya kung gaano kayaman ang nakikipaglapit sa kanya, ganu’n siya kahusay mamili ng kanyang pagbibigyan.

“Nagugulat nga ang mga katrabaho niya kung bakit ang bilis niyang magpalit ng sasakyan. Hindi pa man halos napupudpod ang gulong ng kotse niya, e, bago na naman ang dina-drive niya!

“Kayo na ang maging boy toy ng mga milyonaryong businessmen! Kayo na ang maging flavor of the month ng mga closet chu-chu! Basta, madatung na ang hunk actor na ito, hindi na siya maghihirap, sa totoo lang!

“Hindi na siya babalik sa hirap kapag pinag-ingatan niya ang meron siya ngayon. Kabog niya ang kahit sino pang male personality d’yan na hindi gumagawa ng milagro!” napakadiing pagtatapos ng aming impormante.

Ubos!

Luis kinakawawa ang sarili sa pagtatanggol kay Jessy

Sang-ayon kami sa opinyon ng aming mga kaibigan na mas makagaganda kung hindi na lang papatulan ni Luis Manzano ang mga bashers ni Jessy Mendiola. Kailangang palawakin ng aktor-TV host ang kanyang pang-unawa, kasabay ang pagtanggap sa katotohanan na public figure ang kanyang girlfriend kaya pinupuna-nabibira sa social media.

Dapat din niyang unawain na reaksiyonaryo lang naman ang mga netizens, may unang umaksiyon, kaya nagbigay sila ng opinyon. Kung walang ipino-post na sexy pictures si Jessy ay wala namang mangnenega sa kanya.

Pero si Jessy ang nagpapasimuno, ito ang nagpo-post ng kanyang mga larawan, pero kapag may nangnega naman ay agad nang ikakukulo ng dugo ni Luis. Nanghihinayang ang mga kausap namin sa magandang imaheng nabuo ng aktor-TV host sa publiko. Nakapanghihinayang din ang kanyang pinagmulan, parehong malawak ang pang-unawa ng kanyang mga magulang, hindi pikon at balat-sibuyas sina Edu Manzano at Congresswoman Vilma Santos.

Sa kadedepensa ni Luis kay Jessy ay ang pangalan niya ang nadadagtaan ng kanegahan, hindi naman ang sa dalaga, na siguro nga’y lalong humahaba ang buhok dahil sa pagtatanggol sa kanya ni Luis.

Pinasok nila ang mundong ito, naging pampubliko silang pigura, kakambal nu’n ang parang paglangoy nila sa aquarium na lahat ay nakasunod sa kanilang mga ginagawa at sinasabi.

Totoong masakit, totoong nakagagalit at nakapupugto ng pasensiya ang masasakit na salitang ipinupukol sa kanila nang wala silang kalaban-laban, pero kailangan nilang maisip na ito ang presyong kailangan nilang pagbayaran bilang mga artista.

Sabi nga, kung kumikita ka, kailangan mo ring magbayad ng buwis. Ito ‘yun.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with