^

PSN Showbiz

Jomari tikom ang bibig sa demanda ni Aiko ng sustento!

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon

Ate Glow gumanda sa piling ng asawang Briton

PIK: Aminado si Rachel Alejandro na nahihirapan siya ngayon sa promo ng Metro Manila Film Festival (MMFF) entry niyang Ang Larawan dahil first time niyang makasali sa filmfest na hindi lang siya artista, kung hindi isa sa mga producer.

Pero proud naman daw siya sa pelikulang ito na sinabi nga niyang dahilan kung bakit ito ang dapat unang pelikulang panoorin sa darating na MMFF.

Ani Rachel, “Ito ang tinatawag naming love letter sa mga Pilipino, dahil ito ang istorya natin. Ito ang nawalang istorya ng mga Pilipino na bago nagkaroon ng World War 2, meron tayong kabuhayan eh. Meron tayong kultura na nabaon na sa limot in a way. Lalo na ‘yung mga millennials, ‘yung mga kabataan na makita nila na ito tayo noon.

“Excited kami na makita kung ano ang reaksyon ng mga Pilipino. Kasi so far, ang nakita pa lang na­ming reaction ay sa Japan, sa mga Half-Japanese, at sa San Francisco sa mga Fil-Am.

“Ang iba iyak sila nang iyak. They love it kasi nadala sila ng emosyon. Sobrang nakakataba ng puso. Kaya nagkaroon kami ng konting kumpiyansa na kung sila nga na wala naman masyadong historical background tungkol sa kuwento ng Lara­wan or about Intramuros and all that, lalo pa ang kapwa Pilipino.”

PAK: Marami ang nagulat sa mala­king pagbabago ng dating komedyanteng si Ate Glow. Hindi na niya ngayon gamit ang screen name dahil nawala na ang mala-Pres. Gloria Macapagal-Arroyo na hitsura niya at hindi na rin niya ini-impersonate.

Si Renee Hampshire na siya ngayon kung saan mahigit isang taon na siyang kasal sa isang British guy na mahal na mahal siya.

Nagpadagdag ng boobs si Renee para lalo raw masiyahan ang kanyang British husband.

Ang latest pang nabalitaan namin, dinala na rin daw niya sa London ang mga magulang niya at kapatid.

May mga inayos pa sa mukha niya kaya ang laki na nang ipinagbago niya ngayon at lalong gumanda.

Sabi nga ng karamihang netizens, malayo na raw kay Pres. GMA si Renee. Mas naging Heart Evangelista-Escudero na raw ang hitsura nito.

BOOM: Twelve weeks na ang ipinagbubuntis ng non-showbiz GF ni Jomari Yllana. Kaya ‘di pa niya ma-sure kung boy ang ipinagbubuntis nito. Pero kine-claim na niyang boy ang magiging anak nito. Proud itong ipinost ng aktor sa kanyang Instagram account, pero ang narinig namin posibleng ipapaabot daw sa korte ni Aiko Melendez ang reklamo kay Jomari na may kaugnayan sa financial support sa anak nilang si Andre.

Ayaw na lang munang magsalita pa ni Jomari, pero nakakara­ting na raw sa kanya ang balak ni Aiko para makuha ang tamang suporta sa kanilang anak.

Ang tanong ng ilang malapit kay Jomari, kung hindi raw kaya nabuntis ang current girlfriend ni Jomari, maghahabol pa rin si Aiko?

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with