^

PSN Showbiz

ARH pasabog ang finale!

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Dahil sa pinaghalong action, drama, at comedy, tinutukan at sinubayba­yan ng loyal viewers ang pangalawang season ng primetime series na Alyas Robin Hood. Ngayong nasa finale week na ito, mas maiinit at maaaksyong eksena pa ang dapat abangan.

Ayon sa Kapuso Primetime King na si Dingdong Dantes, malaki ang pasa­salamat nila sa network dahil nabigyan sila ng second season. “’Yun buong book 2 is really a bonus para sa amin. Hindi rin namin in-expect na magkakaroon ng pa­nga­lawa. Para sa amin, grabe na ‘yung pa­sa­salamat namin sa Network dahil bi­nig­yan kami ng another chance para ma­ipakita ang istorya ni Pepe.”

Dagdag pa nito, parang pamilya na raw sila sa set at masaya siyang nakatrabaho ang ilan sa pinakamahuhusay na mga aktor sa industriya. Aniya, “Siyempre, higit isang taon ba naman kayong magkakasama at masaya lahat. Tapos na­dagdagan pa ng mga kwelang tao, mga bagong cast. ‘Yun ang unforgettable talaga.”

Samantala, parehong ikinagulat nina Pepe (Ding­­dong) at Emilio (Edu Manza­no) ang rebelasyong sila pala ang tunay na mag-ama. Ngayong ligtas na ang plaza, hahabulin ni Pepe ang van na sinasakyan ni Emilio. Sa paghaharap ng dalawa, itutuloy ba ni Emilio ang planong patayin si Pepe kahit na alam na niya ang totoo? Tuluyan na bang mawawala si Pepe kay Venus (Andrea Torres)? At mababawi pa ba ang hustisyang matagal nang ipinaglalaban ni Alyas Robin Hood?

Huwag palampasin ang huling linggo (Nobyembre 20-24) ng Alyas Ro­bin Hood pagkatapos ng Super Ma’am sa GMA Telebabad.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with