^

PSN Showbiz

Heart ikinumpara kay Song Hye-kyo

ABOUT SHOWBIZ - Nits Miralles - Pilipino Star Ngayon

Ninanamnam ni Heart Evangelista na hindi pa siya preggy, pero ang sabi nito, up to six months halimbawang nabuntis siya next year, puwede pa siyang mag-swimsuit at magtrabaho. Ito ay kung mai-extend pa uli ang My Korean Jagiya na mukhang magtatagal pa ang airing dahil ayaw pang bitawan ng viewers.

Heto nga at may mga bagong karakter na papasok kabilang ang Korean actor na si Andy Ryu at si Mickey Ferriols. 

Anyway, ang sweet ni Heart dahil sinu­portahan ang bagong pasok na karakter sa My Korean Jagiya dahil pumunta siya sa first interview ni Andy. Wala pa silang eksenang magkasama at dahil limitadong magsalita ng English ang Korean actor, “Smile-smile muna kami. “Yun muna ang language namin,” sabi ni Heart.

“Hihimatayin ako,” ang reaction naman ni Heart nang malamang ikinumpara siya ni Andy kay Song Hye-kyo, sabay takip ng mga tenga. Ni-research siya ni Andy pagkatapos nitong tanggapin ang My Korean Jagiya.

Kuwento ni Andy, sa first meeting nila ni Heart, naging comfortable agad siya at ang aktres pa ang lumapit sa kanya para magpakilala. “She’s full of ener­gy,” description ni Andy kay Heart.

Gabby halo-halong gulay ang sikreto kaya  mabagal tumanda

Ang dami nang views ng video ni Gabby Con­­cep­cion kung saan nag-demons­trate siya kung paano gumawa ng healthy drink by blen­ding. Mukhang marami sa netizens ang gagaya sa healthy drink ni Gabby na pinagsama-samang kang­kong, dahon ng sili, sili, spinach, saba, saluyot, ka­mote, at buko.

Isa ‘yun sa mga sikreto ng ak­tor kung bakit hanggang nga­yon, younger looking pa rin siya. Of course, motivated din si Gabby to stay young and healthy dahil masigla ang kanyang showbiz career. Patuloy sa pamamayagpag ang Ika-6 Na Utos at sa December 5 nga, ise-celebrate ng teleserye ang first anniversary.

Enchong nag-react sa pagpapa-sexy ni Erich

Kinilig ang fans nina Erich Gonzales at Enchong Dee sa comment ng aktor na “‘Di mo ipi­na­alam sakin...mag-uusap tayo mamaya sa bahay!...” dahil ito sa ipinost ni Erich na isa sa mga picture niya sa pagiging 2018 Tanduay Calendar Girl.

Nabuhay ang fans na gustong maging couple sina Erich at Enchong dahil sa post na ‘yun ng aktor at may nagpayo pa sa kanyang ligawan na ang aktres dahil pareho silang single.

In all fairness, ang seksi ni Erich sa photo. Ang dami na ngang nanghi­hingi ng calendar ni Erich para araw-araw daw nilang makita ang kaseksihan nito.

Mark di pa handang pakasalan si Aicelle

Sumulat ng article sa Philippine Star si Mark Zambrano para i-promote ang concert mamaya ng GF niyang si Aicelle Santos. Sa nasabing article, sinabi ni Mark na big fan siya ni Aicelle at suportado niya ang career nito.

“Aside from being her boyfriend, I am also her biggest fan,” sabi ni Mark. Binanggit din nitong 18 months na ang relasyon nila, pero wala pang balak pakasal.

Mamaya na ang concert ni Aicelle billed Awit na Aicelle sa Music Museum. Sa presscon, hindi masabi ni Aicelle kung may duet sila ni Mark. Hindi rin masi­gurado ni Aicelle kung maggi-guest si Regine Velasquez, ang confirmed guests ay sina Gary Valenciano, Bullet Dumas, Quest, Myke Salomon, at The Company. Si Carlo Orosa ang director ng concert.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with