^

PSN Showbiz

Matteo may pahaging kay John Lloyd!

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon

Aminado si Matteo Guidicelli na naapektuhan siya nang mapanood ang huling pelikulang pinagtambalan nina Sarah Geronimo at John Lloyd Cruz na Finally Found Someone ilang buwan na ang nakalilipas. 

Mahigit apat na taon nang magkarelasyon sina Matteo at Sarah ngayon. “Sa totoo lang, hindi selos. I am very supportive. We were discussing na sana may kissing scene na kayo, it’s something professional. Bilang artista you have to understand that. Bilang artista kasi it’s really easy to get jealous because our line is very thin to reality and to being professional. So we have to be professional and be mature about that. So dapat hindi ka magselos. Or kapag manonood ka ng pelikula at magseselos nang kaunti, that means you are affected. That’s a positive thing. But you have to switch that off hindi ba,” paliwanag ni Matteo.

“So nanonood kami, I was really affected. I was like, ‘Oh my God, you are hugging him too much.’ Alam mo ‘yon, ‘yung mga ganyan. But that’s a good thing, they affected me. So that means that they did their job very well. Pero sinabi ko dapat sa totoong buhay hindi ganyan. Pero sa movie, sa trabaho okay lang ‘yan,” dagdag na kwento pa ng aktor.

Angelica ginanahang halikan si Sam

Mainit na pinag-uusapan ngayon ang kissing scenes nina Angelica Panganiban at Sam Milby sa music video ni Moira dela Torre para sa kantang Malaya. Si John Prats ang direktor ng nasabing proyekto. 

Ayon kay Angelica ay nakaramdam siya ng magkahalong emosyon habang kinukunan ang maseselang eksena nila ni Sam. “Nahiya ako kasi nanonood silang lahat sa amin. Tapos sumisigaw sila sa amin do’n. So parang ano, medyo nakaka-excite na nakakahiya. Tapos nakaka-inspire kasi ‘yung sinisigaw ng daddy niya, ‘Yes! Kasalan na ‘yan.’ So parang mas ginanahan ako halikan si Sam. No’ng kiniss ko siya nang kiniss, ayoko nang tumigil. Hanggang ngayon,natatawang pahayag ni Angelica. 

Ito ang kauna-unahang pagkakataon na nagkaroon ng kissing scenes ang da­lawa. Ano kaya ang naramdaman ni Sam sa naging reaksyon ni Ange­lica? “Uhm… okay lang,”maikling pahayag ni Sam. 

“Wala ka bang nakitang stars? Magsinungaling ka,pabirong sagot naman ni Angelica. 

Samantala, magkakasosyo sina Angelica, John, at Sam sa Bright Bulb Productions at ang nasabing music video ang kauna-unahan nilang proyekto. 

Noong Lunes ay na-launch na sa MYX ang kontrobersyal na music video kaya naman mahigit 100,000 na ang views nito online. “Grabe! Wala pang 24 hrs pero over 100k views na! Iba ‘yung satisfaction kapag kasama ka sa buong process. Coming up with a storyline with John, buying the equipment, editing… we had great teamwork with all of us. Huge thanks to everyone involved sa music video. And congrats to my business partners @iamjohnprats @iamangelicap sa new venture namin – Bright Bulb Productions. Thank you also to my little sister Moira for entrusting us na gawin ‘yung music video.” post ni Sam sa Instagram noong Martes.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with