PSN Home Skinning Left , pagematch: 1, sectionmatch:
PSN Showbiz ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Escoto wagi sa Miss Asia Global 2017

MANILA, Philippines - Tuluy-tuloy ang magadang kampanya ng Pilipinas sa mga beauty pageants ngayong taon matapos kilalaning Miss Asia Global 2017 si Mary Eve Adeline Escoto.

Inuwi ng 23-anyos na si Escoto ang korona at 1 Lakh Indian Rupees nitong Martes sa Kerala, India.

Isang physical therapist mula sa Guimaras, Ilo-ilo ang bagong reyna ng bansa na nasungkit rin ni ang Best in National Costume, Best in Formal Wear at ang Missosology Choice Award.

Nito lamang ay napanalunan ni Karen Ebasco ang titulong Miss Earth, habang kauna-unahang Pinay at taga-Asya si Teresita “Winwyn” Marquez bilang Reina Hispanoamericana.

Nanalo rin naman si Jodel Mesinasa sa Miss Top of the World Plus Size nitong nakaraang linggo.

Inaabangan naman ang pagsabak ni Rachel Peters sa Miss Universe 2017 na gaganapin sa darating sa Nobyembre 26 sa Las Vegas, USA.
 

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us:
PSN Home Skinning Right, pagematch: 1, sectionmatch: