^

PSN Showbiz

‘Anak’ ni Mother Ricky 14 taon na, dinadagsa ng mga gustong tumulong!

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon

Beauty czar and philanthropist Mother Ricky Reyes cannot contain his happiness nang magdiwang ng ika-14 na anibersaryo ang CHILD Haus na kanyang itinatag at siyang tahanan at silungan ng mga batang cancer patients along with their parents and guardians na nagmumula sa mahihirap na pamilya na kinakaila­ngang magpagamot sa Philippine General Hospital.

Sa tulong ng maraming sponsors and donors na pinangungunahan ng successful businessman na si G. Hans Sy (ng SM Group of Companies), naisakatuparan ang pangarap ni Mother Ricky na mabuo ang CHILD Haus (12 years sa dati nitong tahanan in Quezon City) at dalawang taon naman sa present shelter nila ngayon (isang 6-floor building) donated by Mr. Hans Sy along Agoncillo St. in Manila na hindi kalayuan sa Philippine General Hospital.

Ang ikinatutuwa ni Mother Ricky, maraming kilalang celebrities ang patuloy na tumutulong sa CHILD Haus.

Bago ang CHILD Haus ay aktibo na si Mother Ricky sa pagtulong sa mga nanangailangan lalo na nang kanyang itatag in 1984 ang Isang Gunting, Isang Suklay na nagbibigay ng libreng cosmetology training sa mga mahihirap.

Dahil sa mga philanthropic act ni Mother Ricky, na-cite siya in 2010 ng Forbes Magazine bilang isa sa 48 heroes and philathropists in Asia-Pacific Region.

Ang lalong nagpapataba sa puso ni Mother Ricky ay ang buhos na suporta ng iba’t ibang donors and sponsors na nagmumula sa iba’t ibang sektor at higit sa lahat ay ang paggaling ng maraming cancer-stricken patients na mga bata tulad ni Jaizel na isa na ngayong certified Social Worker na siya namang tumutulong sa iba.

Career ni Richard bumalik ang ingay

Magmula nang maging Kapamilya si Richard Gutierrez at maging bahagi ng hit primetime TV series na La Luna Sangre bilang si Sandrino ay nagawa na naman nitong mag-ingay sa showbiz.

Isa si Richard sa nakatanggap ng mainit na reaction ng audience nang ito’y rumampa sa SM MOA Arena na may kinalaman sa ika-30th anniversary ng Bench fashion event, ang Under the Stars.

Marami ang nanghinayang na hindi umano kasama ni Richard na rumampa ang kasamahan sa La Luna Sangre na si Angel Locsin pero naroon siyempre ang mga pa­ngunahing bituin ng serye na sina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo na mainit din ang pagtanggap ng audience along with Maine Mendoza at ang newly crowned na 2017 Reina Hispanoamericana na si Winwyn Marquez, ang pinakabagong miyembro ng Bench Family.

Paolo walang kaplano-planong iwan ang EB

On November 22 ay mapapanood ang movie na Trip Ubusan: The Lolas vs. Zombies na kinabibilangan ni Paolo Ballesteros bilang si Lola Tidora at dalawa pang Lola na nabuo sa Kalyeserye ng Eat Bulaga na sina Lola Tinidora (Jose Manalo) at Lola Nidora (Wally Bayola). Idinirek ito ni Mark Reyes under APT Entertainment at M-Zet Productions.

On November 29 naman ay muling mapapanood si Paolo (minus Jose and Wally) bilang pangunahing bituin sa Barbi, D’ Wonder Beki na idinirek ni Tony Y. Reyes at magkakatulong na iprinudyos ng OctoArts Films, M-Zet Productions, at T-Rex Productions. “Walang JoWaPao kung wala ang Eat Bulaga,” deklara ng bagong Barbi na si Paolo.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with