^

PSN Showbiz

Bawal sa endorsement, pagbubuntis ni Ellen walang gustong magkumpirma!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

Tsismis pa lang ang isyu na buntis si Ellen Adarna sa panganay nila ni John Lloyd Cruz dahil walang kumpirmasyon mula sa kanilang kampo.

Hindi raw sinasagot ng manager ni Ellen ang mga text message ng mga reporter na gustong malaman ang the truth and nothing but kaya lalong nagkaroon ng mga pagdududa na on the family way ang sexy star.

May narinig ako na tsismis na hindi raw muna magbibigay ng official statement ang kampo ni Ellen dahil sa mga kontrata na pinirmahan ng sexy star na may morality clause tulad ng hindi pagbubuntis. I repeat, tsismis lang kaya hindi pa kumpirmado.

Talagang sa buhay natin, may mga bagay na hindi mo aakalain na mangyayari. Imagine, matagal na sa isang circle sina John Lloyd at Ellen.

Nagkaroon sila ng  iba’t ibang partners tapos ang  ending, ang dalawa pala ang magiging loveteam sa tunay na buhay.

Bongga, nakakatuwa, dahil totoo pala na ikot ka nang ikot pero hindi mo aakalain na nandiyan lang sa tabi ang seryoso na makakatuluyan mo. I’m really happy for both of them, parehong mga free spirited na nag-end up with each other. Sana nga, sa mga pinagdaanan nila, magtagal ang relasyon at maging maligaya sina Ellen at John Lloyd. Love is great.

Rocco natalbugan si Markki

Naloloka si Rocco Nacino dahil hindi pa siya nasasanay na makita ang mga litrato ng daring act niya sa fashion show ng Bench noong Sabdo.

Hindi naman kasi sanay si Rocco na maghubad sa harap ng maraming tao. Napilitan lang siya dahil sa kagustuhan na i-reinvent ang sarili at tumatak sa isip ng lahat ang pagrampa niya sa stage.

Nagtagumpay naman si Rocco dahil pinag-uusapan ang eksena niya. Natalbugan na nga niya si Markki Stroem kahit pareho ang kanilang mga ginawa at suot na kakapiranggot na underwear.

Hindi lang si Rocco sa mga artista ng Haplos ang rumampa na underwear lamang ang suot dahil kasali rin sina Sanya Lopez at Pancho Magno. Pinakamapangahas si Rocco kaya siya ang talk of the town.

Ingrato raw kasi,

Christian negang-nega na ang image

Negang-nega na ang image ni Christian Bables dahil sa pagtanggi niya na gawin ang Born Beautiful at ang paglalaglag sa kanya nina Jun Lana at Perci Intalan na isa mga favorite couple ko sa showbiz.

Nag-attend ako noon sa grand launch ng The Idea First Company sa mga bagong talent nila na kinabibilangan ni Christian kaya saksi ako sa importansya na ibinigay sa kanya nina Jun at Perci, ang mga bossing ng nasabing production outfit.

Nangyari ang grand presscon ng The Idea First noong August 2017. After three months, iba na ang ihip ng hangin dahil pinalitan si Christian bilang bida ng Born Beautiful at si Martin del Rosario ang replacement sa kanya.

Super nega na ang image ni Christian na inaakusahan na ingrato at walang utang na loob sa mga tao na nagbigay sa kanya ng malaking break sa pelikula, ang Die Beautiful, na pinagbidahan ni Paolo Ballesteros at kumita ng malaki sa takilya.

At dahil sa trato niya kina Jun at Perci, marami na ang nagsasabi na magaling lang si Christian na umarte kapag in character siya tulad ng role niya sa Die Beautiful pero waley na ang kanyang acting kapag tunay na mhin ang ginagampanan niya.

Pinupuna na rin ang makapal na foundation sa mukha niya sa tuwing dumadalo siya sa showbiz events. Sa true lang, naging kind lang kay Christian ang entertainment press dahil sa magandang pakikisama sa kanila nina Jun at Perci.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with