^

PSN Showbiz

Make Up artists takot ayusan si Paolo!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon

Noong kausap namin si director Mark Reyes sa presscon ng Trip Ubusan: The Lolas vs. Zombies, ibinalita nitong may 3.5M views na ang trailer ng movie at magaganda ang comments.

Ilang araw na ang nakalipas mula sa presscon, tiyak na na­dagdagan pa ang views sa trailer ng movie nina Jose Manalo, Wally Bayola at Paolo Ballesteros na showing na sa November 22.

Nagpapasalamat ang tatlo na nabigyan at sinugalan sila ng APT Entertainment at M-Zet Productions para hindi na lang sa telebisyon, pati na rin sa pelikula ay mapanood ang pinakasikat na lola sa panahon ng mga milenyal.

Siniguro ng director at na­ram­da­man naman nina Jose, Wally at Paolo na naging fair si direk Mark sa mga eksena nilang tatlo. Literal na pinaghirapan nila ito kaya umaasa ang tatlo na susuportahan sila ng mo­viegoers.

Isa lang ang Trip Ubusan sa three mo­vies na nilagare ni Pao­lo ang shooting at thankful ito dahil hindi siya nagkakasakit. Ayaw daw niyang matulog sa set dahil pangit ang gising niya kaya sa biyahe siya natutulog minsan.

Kung magkakaroon ng time, gustong mag-aral ni Paolo kung paano mapapabilis ang pagmi-make up niya. Sa ngayon, inaabot ng three to two hours ang pagmi-make up niya, ma­habang oras at pwe­de pa sana siyang makagawa pa ng iba.

Sabi pala ni Paolo, walang gustong mag-make up sa kanya, natatakot ang make-up artist na baka hindi pumasa sa kan­ya dahil mahusay nga siyang mag-make up. 

Mother Lily hindi nasaksihan ang pagkakapili sa haunted…

Wala si Mother Lily Monteverde sa announcement ng official entries ng 2017 MMFF. Sabi ni Girlie Rodis, nasa Taipei ang Regal Entertainment producer para dalawin ang apo niyang si Keith na doon na nakatira.

Ang bilis nga ng Regal, nakapag-schedule agad sila ng mall show para i-promote ang pelikula. Mamayang 5pm., nasa Market Market! sina Maris Racal, Jameson Blake, Jon Lucas, Fiona Yang, Kelvin Miranda at Jane Oineza. Kasama rin sa cast ng horror movie sina Joey Marquez, Jerald Napoles at Raymart Santiago na sa presscon na lang makakausap ng mga reporter.

Si Ian Lorenos ang director ng Haunted Forest na magbibigay takot sa mo­viegoers.

Paulo naudlot ang pagkadismaya

Masayang-masaya ang grupo nina Celeste Legaspi, Rachel Alejandro at Girlie Rodis na finally, after four years, mapapanood na sa big screen at sa 2017 MMFF pa ang Ang Larawan. Sa kanyang speech, sinabi ni GR na excited na silang maipalabas ang pelikula. Maganda ang reception nang ipa­labas sa Tokyo at San Francisco at sana, ganu’n din ang pagtanggap ng moviegoers dito.

May reaction din si Paulo Avelino bago i-announce ang eight official entries. Tweet nito, “MMFF announcement today! Madidismaya ako kapag hindi pumasok ang LARAWAN.” Hindi natuloy ang pagkadismaya ni Paulo dahil isa sa entry ang movie nila.

Glaiza sinumbatan sa pang-iisnab sa movie ni Rhian

Hindi kami nagkaroon ng chance na makausap si Glaiza de Castro sa GMA Artist Grand Fans Day last Friday na ginawa sa Music Museum. Isa siya sa naimbitahan sa event, kaya sumugod ang kanyang supporters.

Ano kaya ang reaction niya sa isang fan nila ni Rhian Ramos na may tampo sa kanya. Pinost at prinomote kasi ni Glaiza ang movie nina Barbie Forteza at Ken Chan na This Time I’ll Be Sweeter at hindi ang Fallback nina Rhian at Zanjoe Marudo na kasalukuyang showing?

Mabuti at hindi na sinagot ni Glaiza ang comment ng fan kahit may hindi ito magandang sinabi na kay Rhian siya sumikat dahil sa The Richman’s Daughter.

Anyway, next year and alam namin, magbibida si Glaiza sa isang afternoon soap ng GMA 7

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with