^

PSN Showbiz

Aktor na napansin agad ang acting, winawasak ang career ng mga nasa pali-paligid

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Hinayang na hinayang ang marami sa maganda sanang nakaabang na magandang oportunidad para sa isang bagitong male personality. Sa maagang panahon ay pinahalagahan agad ng industriya ang kanyang talento sa pag-aarte.

Hindi pa man nag-iinit ang kanyang likod sa upuan ay nagkaroon na siya agad ng award. Hindi nangyayari nang madalas ang ganu’n kagandang pagkakataon para sa mga baguhan.

Pero gaano katotoo na nalunod sa isang kutsarang tubig ang mga taong nakapalibot sa male personality na ito? Sa unang oportunidad ng aktor ay wala naman ang mga taong ‘yun, ang produksiyon na nagtiwala lang sa kanya ang nagplano sa kanyang career, pero biglang may sumulpot na kung sino na nakikialam na.

“Nakapanghihinayang si ____(pangalan ng magaling umarteng baguhan), hawak na niya ang star, pero nakaalpas pa, dahil sa mga taong nakapalibot sa kanya. Kung tutuusin, e, wala namang problema du’n sa bata, madali siyang katrabaho, pero may mga nanghihimasok na kasi ngayon sa career niya.

“Alam niya naman na nakakontrata na siya sa management ng unang production na nagtiwala sa kanyang capacity, ang ganda-ganda ng plano para sa kanya, pero biglang pumasok sa eksena ang mga taong nagdedesisyon na para sa kanya.

“Gustung-gustong gawin nu’ng bata ang project dahil du’n siya nakilala, ‘yun ang nagpanganak sa career niya, pero nakawala pa sa kanya ang napakagandang opportunity.

“May mga usapang hindi natupad, may mga planong naudlot dahil sa pakikialam ng mga tao sa paligid niya, nasira ang mahabaan sanang pangarap ng production para sa kanya.

“Napakaganda ng project, para sa kanya talaga ‘yun, bagay na bagay sa kanya ang role. Pero dahil nga sa mga taong ngayon na lang naman dumating, e, nabulilyaso ang project na para sa kanya.

“Sana lang, e, hindi maging parang bula ang career niya na sa isang sundot lang, e, puputok na. Sayang na sayang siya, nakapanghihinayang ang isang talent na tulad niya, sa totoo lang,” pagtatapos ng aming source.

Ubos!

Sinisira ang pagiging henyo, Joey wala na sa timing ang mga joke!

Minsan pang sumalang ang beteranong TV host na si Joey de Leon sa kumukulong tubig ng social media. Nakapasimple lang ng inilabas niyang retrato pero ang kakambal na mga salita nu’n ang nagpahamak sa kanya.

Si Joey de Leon ang may hawak ng kanyang isip, siya lang ang makapagsasabi kung ang salitang “lunod” na naglagay sa kanya sa indulto ay sinadya niya o hindi, pero sa panlasa ng mas nakararami ay hindi ‘yun hinihingi dahil sa pagkamatay sa lunod ng miyembro ng Hashtags na si Franco Hernandez.

Ang retrato ay kuha pa nu’ng 2014, kaya ang tanong sa kanya ay bakit ngayon lang niya ‘yun inilabas, na kinambalan pa niya ng hindi kagandahang caption. Mali ang timing kung ikakatwiran ni Joey na wala lang, basta naisip lang niyang i-post ang retrato niya sa Dead Sea, dahil nga sa pagkamatay ni Franco Hernandez sa pagkalunod.

Tuloy, sa edad niyang ito, ay pinakain na naman siya nang pagkaaanghang na salita. Ang respetong dapat ay iginagawad sa isang beterano nang artista ay pansamantalang nahalinhan ng pagkagalit sa kanya.

Pati tuloy ang mga personalidad na kasamahan ni Franco sa grupo na halos apo na lang niya ang edad ay nagpakawala ng litanyang, “Tanda mo na, bastos ka pa. Wala akong pake kung sikat ka. Mga jokes mo, wala sa lugar. Sobrang bastos mo!”

Dahil ang pagrespeto ay hindi sinusukat sa edad. Dahil ang respeto ay kusang ibinibigay at hindi nabibili at hindi nahihingi. Dahil ang respeto ay pinaghihirapan nating anihin.

Hindi kami pabor sa magaspang na tabas ng dila ni Paulo Angeles sa sinabi nito laban kay Joey de Leon, pero nagluluksa ang bata sa pagkamatay ng kanyang mahal na kasamahan, nakalublob ngayon sa kalungkutan si Paulo kaya nito nasabi ang masasakit na salita laban sa TV host.

Sa pagbabato ng jokes ay napakahalaga ng timing. Kapag wala ‘yun sa tiyempo ay hindi binibili ng audience. Napakahalaga ng timing sa lahat ng larangan. Kaya nga pati sa pakikipagrelasyon ay may right love at the right time.

Tinatawag na henyong komedyante si Joey de Leon. Dapat ay alam na alam niya ang kahalagahan ng timing sa lahat ng pagkakataon.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with