^

PSN Showbiz

Bashers talunan, Mariel naka-move on na sa kapalaran sa Miss International

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

Babalik na si Christopher de Leon sa Pilipinas pagkatapos panoorin ang coronation ng Miss International noong Martes sa Tokyo, Japan.

Hindi puwedeng magbakasyon nang matagal si Boyet sa Tokyo dahil kailangan siya sa taping ng Santa Santita, ang upcoming primetime teleserye ng GMA 7.

May-ari ng ospital ang role ni Boyet sa Santa Santita na working title pa lang dahil hindi pa sinasabi ng Kapuso Network management ang pamagat na napili nila para sa teleserye na pinagbibidahan din nina Alfred Vargas, Carmina Villarroel, Gloria Romero, Bianca Umali, at Miguel Tanfelix.

Si Don Michael Perez ang direktor ng project at gustung-gusto siya na katrabaho ng mga artista. Kapag si Don Michael ang direktor, walang katensyon-tensyon at relaxed na relaxed ang atmosphere sa set.

Hindi pinalad si Mariel de Leon sa Miss International pero hindi naman ‘yon ang katapusan ng mundo.

Hindi lamang siya ang beauty queen na natalo sa international beauty contest. Nagkataon lang na kontrobersyal si Mariel kaya isyu sa bashers niya ang kanyang pagkatalo.

Nag-move on na si Mariel pero hindi ang kanyang mga basher. Sino ngayon ang tunay na talunan?

Magiging visible si Mariel sa mga susunod na linggo dahil siya ang leading lady ni Coco Martin sa Ang Panday na official entry sa Metro Manila Film Festival (MMFF) 2017.

Bago pa siya naging beauty queen, nag-aartista na si Mariel kaya hindi ito baguhan sa pag-arte. Alam naman ng lahat na showbiz royalty ang pamilya ni Mariel dahil mga sikat na artista noon ang kanyang grandparents, sina Gil de Leon at Lilia Dizon.

Mga respected actor din ang mga magulang ni Mariel, si Boyet na Drama King ng Pilipinas at si Sandy Andolong. Nag-artista rin noon ang mga tiya ni Mariel na sina Pinky at Lara Melissa de Leon.

Sec. Bong Go binansagang Selfie King

Hindi na maabot si Secretary Bong Go, ang kanang kamay ni President Rodrigo Duterte dahil binansagan siya na “Selfie King” ng international media.

Ibinigay kay Papa Bong ang title na Selfie King dahil sa mga selfie picture niya, kasama ang mga sikat na lider ng iba’t ibang bansa.

Isa si Papa Bong sa mga mapagkakatiwalaan na tauhan ni Papa Rody at very accommodating siya kaya nang magkita kami noon sa kasal ni Robert Ortega, ako naman ang nag-request sa kanya ng photo op.

Hindi pa Selfie King noon si Papa Bong at isang karangalan para sa akin na may picture kami together.

Tulad ng ilang Pinoy actor Jo In Sung Itsinitsismis na bading!

Naku ha, affected ako ng tsismis na gay ang favorite Korean actor ko na si Jo In Sung.

Hindi ko matanggap na baklita si Papa Jo In Sung kaya kaaway ko ang sinuman na magsasabi na kapwa mhin din ang type niya.

Nagkaroon ng mga girlfriend si Papa Jo In Sung pero nagkahiwalay sila. Malay ba natin kung ‘yung mga babae ang may mga diprensya at sinisiraan nila si Papa Jo In Sung dahil bitter na bitter sila?

Walang-wala sa hitsura ni Papa Jo In Sung na vaklush siya ‘no! Baka katulad din siya ng ibang mga local actor na pinagbibintangan na bading dahil inililihim nila sa publiko ang mga ganap sa kanilang personal na buhay.

Nang kumalat sa South Korea ang tsismis na gay si Papa Jo In Sung, nagalit ang mga tagahanga niya. Ipinagtanggol nila si Papa Jo In Sung na hindi ito bading at napagkakamalan lang na gay dahil gumanap siya na homosexual sa isang pelikula.

Walang ipinagkaiba ang showbiz sa South Korea sa entertainment industry sa Pilipinas. Lahat na lang mga aktor na guwapo at walang dyowa, pinaghihinalaan na bading. Hmp!

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with