^

PSN Showbiz

Marvin at Jolina, lusaw na ang balikan

SANGA-SANGANDILA - Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon

Hindi lang naman ang paggawa ni Marvin Agustin ng serye sa GMA ang nagbigay ng alala­hanin sa fans ng Marvin-Jolina Magdangal love­team na baka hindi na magkaro’n ng katupa­ran ang muling pagsasama ng da­lawa na kung hindi man sa pelikula ay baka sa TV.

Nakadagdag pa sa problema ng mga tagaha­nga nila ang anunsyo na dalawang buwan nang buntis si Jolina. Pero, kung pakaiisipin, blessing in disguise ang pagbubuntis ni Jolina. Magkakaro’n ng pa­nahon si Marvin na matapos muna ang kanyang trabaho sa Kapuso Network at hintaying makapa­nga­nak muna ang kanyang ka-loveteam bago sila magtrabaho uli.

Ito naman ay kung totoong hindi pa siya perma­nenteng lumilipat sa GMA. Kapag totoong Kapuso na si Marvin ay matutulad lang sila kina Sharon Cu­neta at Gabby Concepcion na na-miss ang kanilang reunion project.

Astralyanong Mr. Grand International gustong mag-showbiz

Walang dudang magagawang tanggapin ng mga movie fans ang bagong hirang na Mr. Grand International mula Australia na si Michael Angelo Stylass. Balak nitong sumubok mag-artista sa ating bansa pero, uuwi muna siya sa Australia at sa pagbabalik niya ay sabay siya mag-aaral ng Tagalog at tutupad ng kanyang tungkulin bilang Mr. Grand International. Bahagi ng kanyang tungkulin, at dahil tinanghal din siyang Mr. Psalmstre, ang pag-promote ng New Placenta for Men, ang pangunahing produkto ng kumpanyang Psalmstre na pag-aari ni Jaime Acosta, founder at CEO.

Sasabak din siya sa mga video at photo shoots at magiging abala sa #FreeHugs promotional tour.

Matt hoping na makakabalik sa Kapamilya

Okay lang kay Matt Evans na maging kontrabida ni Marian Rivera sa action series na Super Ma’am. Gumagawa ng trabaho ang dating Pedro Penduko sa Kapuso dahil tapos na ang kontrata niya sa Kapamilya. Pero, dahil wala pa naman siyang pinipirmahang bagong kontrata sa GMA kung kaya hopeful siya na maaari pa rin siyang magtrabaho sa ABS-CBN kapag may pagkakataon. 

Ratsada sa nomination sa abroad...

Rumaratsada sa nominasyon ang mga artista natin sa mga international music and film festivals. Nauna nang ipagbunyi ang nomination for Best Single Performance ni Zanjoe Marudo sa Emmys. Nominated din si James Reid for Best Southeast Asian Act sa 2017 MTV Europe Music Awards at ngayon ay si Tirso Cruz lll naman ay nominee for Best Supporting Actor sa 22nd Asian Television Awards para sa Wildflower. Yes, hindi lamang sina Maja Salvador at Aiko Melendez ang humihirit sa akting sa nasabing serye, si Pip din!

Dingdong mapapahinga na sa Robinhood!

Hindi maitanggi ni Kapuso Primetime King Dingdong Dantes ang saya nang magpakwento kami sa kanya tungkol sa serye niya sa GMA na Alyas Robin Hood. Aniya patuloy ang nagiging tulong sa kanya ng kanyang karakter bilang si Pepe at Robin Hood bilang isang artista dahil mas lalo pa siyang nae­ensayo bilang isang aktor. 

Dagdag pa ni Dong ay naaaliw siya sa mga rebelasyong nalalaman niya tungkol sa karakter niya dito sa ARH lalo na ngayong unti-unti nang luma­labas ang tunay na koneksyon sa pagkatao niya at ni Emilio (Edu Manzano). Ayon pa sa kanya, sa nalalapit na pagtatapos ng Alyas Robin Hood, dapat ay hindi ito palampasin ng mga manonood dahil mas exciting pa ang mga eksena.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with