^

PSN Showbiz

Fans ayaw paawat sa pagkakalat ng mukha ni Isabel sa ataul

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

Inulit ni Senator Tito Sotto ang apela ng pamilya ni Isabel Granada na huwag kunan ng litrato at i-post sa social media ang litrato ng namatay na aktres.

Nakiusap si Tito Sen sa live broadcast kahapon ng Eat Bulaga. Kasama si Tito Sen at ang kanyang misis na si Helen Gamboa sa mga nagluluksa sa maaga na pagpanaw ni Isabel na parang tunay na anak ang trato nila.

Si Isabel ang gumanap na anak nina Tito Sen at Helen Gamboa sa sitcom na Hapi House na napanood noong 1987 sa IBC 13.

“Ang pakiusap ng pamilya at maraming nanonood sa atin ngayon, internatio­nally, kung puwede po ‘yung mga nakakuha daw ng litrato na kinunan siya doon sa kanyang casket,huwag n’yo nang i-share sa social media. Nakikiusap si Mommy Guapa na huwag n’yo na raw gawin ‘yon.

“At kung maaari po raw eh i-delete n’yo na lang kung nailagay n’yo na at kung hindi pa naman, itago n’yo na lang, huwag n’yo nang ilagay doon.Nakikiramay po ang buong Eat Bulaga sa pamilya ni Isabel Granada,” ang apela ni Tito Sen sa mga pasaway.

Matitigas talaga ang ulo ng ilang mga Pilipino na ayaw magpaawat sa pagpo-post sa social media ng litrato ng bangkay ni Isabel.

Meron naman mga kiyeme-kiyeme na concerned at isinusumbong sa mga kaibigan ni Isabel ang mga tao na naglabas sa social media ng mga litrato pero ipino-post nila bilang ebidensya kaya mga accessory to the crime din sila.

Anong klase ng utak meron ang mga ganoong tao na pretending na nagmamalasakit pero may-I-share din nila ang controversial photo. Hindi ba sila nag-iisip, nananadya ba o talagang mga bobita lang?

Scarlet Snow jet-setter na agad

Jet-setter talaga si Scarlet Snow Belo dahil sa dami ng mga bansa na napuntahan niya, itsurang bagets na bagets pa siya.

Pagkatapos rumampa sa Paris para sa September wedding ng kanyang mga magulang na sina Dra. Vicki Belo at Hayden Kho, Jr., lumipad naman ang Kho family sa New Zealand dahil invited sila sa kasal nina Anne Curtis at Erwan Heussaff.

Reportedly, ngayon ang kasal ng dalawa na hindi nila nailihim sa publiko dahil sa mga social media post ng mga invited guest na gandang-ganda sa wedding venue.

AiAi sandali na lang ang ipaghihintay sa kasal

One month from now, si AiAi delas Alas naman ang ikakasal sa kanyang fiancée na si Gerald Sibayan at mangyayari ito sa December 12 sa isang simbahan, somewhere down the road.

Mabilis ang takbo ng panahon kaya sandali na lang ang ipaghihintay ni AiAi na nag-celebrate kahapon ng kanyang kaarawan.

Kahapon din ang birthday ni Tori, ang favorite grand daughter ni Lorna Tolentino. Six years old na si Tori at gaya ng kanyang lola, kikay siya na bata. Anak si Tori ni Rap, ang panganay na anak nina LT at Rudy Fernandez. Madaling tandaan ang birthday ni Tori dahil 11-11-11 ang araw nang kapanganakan niya.

Paolo aligaga sa Ubusan

Hataw sa promo ng Trip Ubusan, The Lolas vs. Zombies sina Paolo Ballesteros, Wally Bayola at Jose Manalo.

Showing sa mga sinehan sa November 22 ang Trip Ubusan at sa November 29 naman ang playdate ng solo movie ni Paolo, ang Barbi, D’ Wonder Beki.

Hindi ako naniniwala na makakaapekto kay Paolo ang magkasunod na linggo na playdate ng kanyang mga pelikula dahil magkaiba naman ang kuwento.

Hindi pa ipino-promote ni Paolo sa Eat Bulaga ang Barbi D’Wonder Beki dahil inuuna niya ang promo ng Trip Ubusan na isang comedy suspense movie na puwedeng panoorin ng mga bagets.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with