PSN Home Skinning Left , pagematch: 1, sectionmatch:
PSN Showbiz ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Hindi lang sa anak masaya Bossing excited din sa ginawa nila ni Dawn

Ang cute ng first born ng mag-asawang Vic “Bossing” Sotto at Pauleen Luna-Sotto na si Talitha Maria Luna Sotto.

Si Talitha ay pang-lima sa mga anak ng veteran TV host-come­dian-producer na si Bossing.

Samantala, kung excited si Bossing sa paglabas ni Baby Talitha, ganoon din ang excitement na kanyang nararamdaman ngayong malapit na ang 2017 Metro Manila Film Festival (MMFF) dahil kalahok ang kanyang pelikulang Meant to Beh na balik-tambalan nila ni Dawn Zulueta.

“Long overdue na ang muli naming pagsasama sa pelikula ni Dawn,” ani Bossing.

Kara David ikakasal na sa singer-composer!

Ang 44-year-old award-winning journalist and TV host/anchor na si Kara Constantino David, anak ni Professor Emeritus ng University of the Philippines na si Randy David at dating chairperson ng Civil Service Commission na si Karina Constantino-David ay nakatakdang ikasal sa singer-composer na si LM Cancio.

Ang dalawa ay naging schoolmates sa University of the Philippines kung saan nagtapos na cum laude si Kara ng Broadcast Communication. Nakatakdang ikasal ang dalawa on January 2018 sa St. James the Apostle sa Betis, Pampanga, ang hometown ni Kara. Ang dalawa ay naging official couple noong May 12, 2015.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

Bukod sa kanilang passion sa pagsusulat, may common interest din sila in sports. Mahilig sila parehong tumakbo, hiking at biking at suportado rin ni LM ang Project Malasakit Foundation ni Kara.

After graduation, nagtrabahong production assistant and researcher si Kara sa GMA in 1995 and eventually siya’y na-promote as writer-researcher ng programang Emergency. Naging segment host din siya ng Unang Hirit at nakapag-host na rin ng ilang news and public affairs programs tulad ng Case Unclosed, OFW Diaries.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us:
PSN Home Skinning Right, pagematch: 1, sectionmatch: