PSN Home Skinning Left , pagematch: 1, sectionmatch:
PSN Showbiz ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Pumiyok ang Malacañang Marian personal request ng PM ng Cambodia!

Marian Rive­ra

Personal request pala talaga ng Prime Minister of Cambodia Hun Sen na makilala si Marian Rive­ra ayon sa isang Malacañang insi­der na part ng organizing committee ng gaganaping ASEAN Summit sa bansa.

Usually kasi raw ay tinatanong ang head of states kung ano ang request nila pagdating ng bansang paggaganapan ng summit. Halimbawa raw kung meron silang request na kakai­nin, susuutin, pupuntahang lugar etc. etc. Ito raw, nang tanungin ang staff ni PM Hun Sen, ni-request agad nilang gusto nitong makilala ang Kapuso actress ayon sa source na Malacañang insider na bawal banggitin ang pangalan.

Nung una raw ay si Marian lang ang naka­planong padalhan ng invitation ng organizer ng ASEAN Summit pero may nag-advice na hindi puwedeng ang actress lang ang imbitahin. Kailangan kasama ang mister nitong si Dingdong Dantes.

Nag-confirm na raw ang mag-asawa na dadalo sa inihandang dinner tonight para kay PM Hun Sen kasama ang State Counsellor of Myanmar Aung San Suu Kyi na gaganapin sa Midori Hotel, Clark, Pampanga.

Anyway, kasabay ng contract signing ni Marian sa Kultura bilang brand ambassador for 15 months ang opening ng kanilang store sa second level ng SM Makati nung Huwebes ng hapon.

Ayon sa isa sa mga executive ng Kultura nagkaroon sila ng idea na kunin si Marian nang suutin nito ang silk barong dress sa inauguration noon ni VP Leni Robredo. “This post was met with a remarkable response, which included numerous inquiries to this day, about the dress she was wearing and its avai­lability in our stores,” sabi ng representative ng Kultura.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

Anyway, uniquely Filipino select items are available at Kultura in SM Makati, Megamall, Mall of Asia, SM Aura Premier, SM City Cebu, SM Seaside, SM Lanang Premier and the newly opened Kultura at The Podium and at most SM Stores. Visit www.kulturafilipino.com to discover more about Kultura.

Erwan Heussaff at Anne Curtis

Mga kaibigan nina Anne at Erwan handa na raw sa kasalan ngayong araw

Nasa New Zealand na kahapon pa ang mga malalapit na kaibigan nina Anne Curtis and Erwan Heussaff na ikakasal raw ngayong araw.

Nandun na ang mga co-host niya sa It’s Showtime na sina Vhong Navarro, Ryan Bang, Jugs Jugueta, and Teddy Corpuz. Lumipad daw kahapon sina Vice Ganda, Karylle and husband. Wala pang  photos sa kanyang IG account si Billy Crawford kung andun na siya.

Present na rin si Kuya Kim Atienza. Andun din sina Luis Manzano and Jessy Mendiola.

Maging ang manager ni Anne na si Ms. Veronique del Rosario-Corpus ay andun na rin kasama ang kanyang husband and daughter. Ganundin si Dra. Vicki Belo and Hayden Kho with their daughter Scarlet. Nauna na roon sina Solenn Heussaff, Isabel Daza and Georgina Wilson na pawang mga ikinasal din sa abroad. Kasama nila ang kani-kanilang mga asawa.

Hindi nagbibigay ng update si Anne Curtis o maging si Erwan sa kanilang wedding date sa kanilang milyou-milyong followers.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us:
PSN Home Skinning Right, pagematch: 1, sectionmatch: