^

PSN Showbiz

Winwyn kinoronahang Reina Hispanoamericana!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

Hindi lang ganda ang ipinanglaban, lutang din ang galing sa Q&A

Sure ako na maligayang-maligaya sina Alma Moreno at Joey Marquez dahil winner sa Reina Hispanoamericana 2017 ang kanilang anak na si Winwyn Marquez.

Natuwa ang buong Pilipinas nang mapanalunan ni Winwyn ang Reina Hispanoamericana na never heard sa Pilipinas pero biglang sumikat dahil sa kanya.

Nakatulong ang pagiging artista ni Winwyn para pagtuunan ng pansin ang beauty contest na nilahukan niya.

Kung ordinaryong babae o hindi artista ang nanalo, hindi ito magiging kasing-ingay ng balita tungkol sa tagumpay ni Winwyn na may karapatan na mag-win dahil angat na angat ang kanyang ganda at talino bilang Pilipina.

Proud na proud ang mga Pinoy kay Winwyn dahil bongga ang sagot niya sa question and answer segment ng Reina Hispanoamericana.

Hindi nag-buckle at very confident si Winwyn sa pagsasalita as in maganda ang training niya sa showbiz dahil nasanay siya na humarap sa maraming tao.

Kung nasaan man ngayon si Douglas Quijano, tiyak ko na masayang-masaya siya dahil natupad ang dream ni Winwyn na maging beauty queen.

Si Douglas ang tatay-tatayan ng mga anak nina Alma at Joey. Noong mga bagets pa si Winwyn at ang kanyang mga kapatid, kasa-kasama sila ni Douglas sa mga showbiz event na pinupuntahan nito.

Nang mapag-usapan si Douglas, sinabi ni Winwyn na missed na missed na niya ang kanilang tatay-tatayan.

Mark nagbunga ang pamimilit kay Wyn

I’m sure, maligayang-maligaya rin si Mark Herras dahil international beauty queen na ang kanyang pangga.

Si Mark ang nagkumbinsi kay Winwyn na muling subukan ang kapalaran sa beauty contest kaya nag-join sa Miss World Philippines ang dalaga.

Tinutukan kahapon ni Mark sa Internet ang mga ganap sa Reina Hispanoamericana dahil hindi siya sumunod sa Bolivia at ito ang usapan nila ng kanyang “pangga.”

“OMG! Salamat Lord!!Ga!! Wala ako masabi! Congrats pangga!! Ikaw na talaga! I love you!! Wow ga wow!! We are so proud of you!!!,” ang reaksyon ni Mark sa victory ni Winwyn.

Reina Hispanoamericana nasa YouTube

Hindi man niya nakuha ang Miss World Philippines title, bonggang-bongga ang Reina Hispanoamericana Filipinas na napanalunan ni Winwyn dahil ito ang naging instrumento para mag-compete siya sa Reina Hispanoamericana sa Bolivia at eventually, magkaroon ng international beauty title.

Sayang dahil walang television coverage sa Pilipinas ang Reina Hispanoamericana pero mapapanood naman sa YouTube ang kabuuan ng contest.

Parang mahirap ipalabas sa bansa natin ang Reina Hispanoamericana dahil Español ang salita ng mga host at ng mga kandidata na hindi maiintindihan ng mga Pinoy, maliban na lang kung sosyal ka tulad ng mga Zobel at Ayala at kapag may English subtitle na puwedeng basahin sa television screen.

Winwyn nag-iba ang plano sa pananalo ng international crown

Nabanggit ni Winwyn sa isang interbyu na kapag natalo siya sa Reina Hispanoamericana, hindi muna siya uuwi sa Pilipinas dahil magbabakasyon siya sa New York.

Ang kaso, nanalo si Winwyn kaya malamang na magbago ang plano niya dahil may mga responsibilidad na siya bilang beauty title-holder.

Kailangan na manatili muna siya sa Bolivia para sa mga television guesting at activities ng Reina Hispanoamericana.

Abangan na lang natin ang pagbalik sa Pilipinas ni Winwyn dahil tiyak na maglalabas ng official statement ang organizer ng Miss World Philippines, ang franchise holder ng Reina Hispanoamericana.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with