^

PSN Showbiz

Jillian kinumpara sa pangit na duckling

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Ngayong linggo sa Daig Kayo ng Lola Ko, tutubuan ng taghiyawat si Alice (Jillian Ward). Hiyang-hiya tuloy siya at gagawin ang lahat para itago ang mga ito.

Nang malaman ni Lola Goreng (Gloria Romero) ang problema ni Alice, mapapakwento siya tungkol kay Darling, ang Pa­ngit na Duckling.

Sa isang paitlugan ay sabay-sabay nanganganak ang iba’t ibang mga ibon ­– kasama na ang isang swan at isang duck. Hindi sinasadyang gugulong ang isang itlog ng swan papunta kay Duck na nangingitlog. Walang makakapansin nito kaya naman maiuuwi ni Duck ang naturang itlog.

Nang mabasag ang mga itlog, kitang-kita kaagad na iba ang itsura ni Darling kumpara sa mga kapatid niya.

Minsang naglalaro ang mga magkakapatid na ducklings sa ilog, mapapalayo si duckling at mapapasama sa malakas na agos ng tubig. Sa kanyang paghahanap ng daan pabalik, iba-ibang hayop ang makakasama at makakahalubilo niya. Karamihan sa kanila, sinasabing pangit siya at kakaiba ang itsura niya. Kaya naman maniniwala si Darling na pangit nga siya.

Dahil dito, magtatago na lang siya sa isang kweba. Pero darating ang araw na mami-miss din niyang luma­ngoy sa tubig. Kaya naman mangangahas siyang lumapit sa ilog. Nang malapit na siya dito, biglang may dadaan na naggagandahang mga swan. Mahihiya si Darling at magtatago sa likod ng mga matataas na damo. Ing­git na inggit siya sa kagandahan ng mga swan. Hanggang sa makikita siya ng mga ito. Matatakot pa si Darling na baka pagtawanan siya o palayasin ng mga ito dahil pangit siya, pero magugulat na lang siya nang sabihin ng mga ito na siya ay isang maganda ring swan, tulad nila.

Ipapaalala ni Lola Goreng sa mga bata na ang bawat isa, may kanya-kanyang ganda at kabutihan. At may mga taong makakakita at makaka-appreciate no’n.

Abangan sina Sophie Albert, Tina Pa­ner, Michael Flores, Tess Bomb, Mega, Kevin Sagra, Marika Sasaki, Mara Alberto, Carly Feliciano ngayong Linggo ng gabi sa GMA 7.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with