^

PSN Showbiz

Coco hindi natitibag gabi-gabi, Home Sweetie panalo kahit wala si John Lloyd!

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Buong buwang namayagpag ang ABS-CBN noong Oktubre matapos umani ng average audience share na 46% kumpara sa 33% ng GMA, ayon sa datos ng Kantar Media.

Tinutukan pa rin ang ABS-CBN sa bawat panig ng bansa. Nanguna ang Kapamilya network sa Mega Manila kung saan nakakuha ito ng average audience share na 36%; sa Metro Manila kung saan nagkamit ito ng average au­dience share na 41%; sa Total Luzon kung saan naka­kuha ito ng average audience share na 43%; sa Total Visayas sa pagrehistro nito ng 53%; at sa Total Mindanao sa pagtala nito ng 50%.

Napanatili pa rin ng FPJ’s Ang Probin­syano ang paghahari nito sa national TV ratings sa pagtala nito ng monthly average national TV rating na 39.9%. Kasalukuyan ngang mas humihirap ang misyon ni Cardo (Coco Martin) ngayong sanib-puwer­sa na ang mga kalaban, kaya naman patuloy itong kinakapitan tuwing gabi.

Pagdating naman sa pagbabalita, TV Patrol (34.4%) pa rin ang pi­nakatinutukang news program sa bansa noong Oktubre sa paghahatid nito ng mga nagbabagang impormasyon at pagbibigay serbis­yong publiko.

Patuloy din namang kinakapitan ang kuwento ng La Luna Sangre (33%) gabi-gabi na gumulat sa mga manonood matapos ang rebelasyon ni Jacintha Magsaysay (Angel Locsin) bilang isang bampirang nagnanais mapatumba ang Supremo na lubos pinag-usapan online.

Hindi rin naman nagpadaig ang mga batang puno ng talento at mga madadamdaming kuwento sa Little Big Shots (31.3%) sa pangunguna nito tuwing Sabado at Linggo ng gabi.

Samantala, lubos namang tinutukan at pinag-usapan sa social media ang pagkamatay ni Ivy Aguas at pagkabuhay ni Lily Cruz (Maja Salvador) noong Oktubre, kaya naman humataw ang Wildflower (28.9%) sa national TV ratings.

Tinutukan din ang mga aral na hatid ng Wansapa­nataym (27.5%) at mga tunay na kuwento ng buhay ng letter senders ng MMK (27.1%).

Nagdala rin ng katatawanan sa bawat kabahayan ang Kapa­milya shows na Home Sweetie Home (27.1%) at Goin’ Bulilit (24%) na pinagbibidahan naman ng child stars ng ABS-CBN.

Samantala, inabangan ang ABS-CBN sa lahat ng time blocks noong Oktubre, partikular na sa primetime (6PM-12MN) kung saan nakakuha ang Kapamilya network ng average audience share na 50%.

Tinutukan din ang ABS-CBN sa morning block (6AM-12NN) sa pagtala nito ng average au­dience share na 39%, sa noontime block (12NN-3PM) sa pagrehistro nito ng 47%, at sa afternoon block (3PM-6PM) sa pagtala nito ng 42%.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with