^

PSN Showbiz

Jolo blessing ang pakiramdam sa weird na relasyon nila ni Jodi kina Iwa at Pampi!

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon

Kuya Germs si Ken lang ang nakaalala

PIK: Sa rami ng mga natulu­ngan ng namayapang si Kuya Germs Mo­reno mula pa sa That’s Entertainment hanggang sa Walang Tulugan with the Master Showman, si Ken Chan lang ang isa sa ka­­kaunting nakaala­lang dala­win ang pun­tod ng itinuturing niyang tatay-tatayan.

Ipinost ito ng Kapuso actor sa kanyang Instagram account at ang mensahe niya sa kanyang caption ay, “Namiss kita Master. Kung nasaan ka man ngayon Tay alam kong masaya ka. Lagi ka pa din nandiyan sa tabi ko…lagi kang nasa puso ko. Mahal na mahal kita!”

Isa raw sa ipinagdasal doon ni Ken ay gaba­yan siya ni Kuya Germs sa pelikula nila ni Barbie Forteza na This Time I’ll Be Sweeter na magsu-showing na sa November 8.

PAK: Kamakalawa lang nakabalik sina Cavite Vice Gov. Jolo Revilla kasama sina Jodi Sta. Maria at ang kani-kanilang anak mula sa ilang araw na bakasyon sa Singapore.

Kasabay din nila ang mag-partner na Iwa Moto at Pampi Lacson na kasama rin ang anak nilang si Mimi.

Masayang ikinuwento sa amin ni Jolo na sobrang saya raw nilang lahat sa bakasyon dahil ang mga bata ang mas nag-enjoy. Naging close lalo ang magkapatid na Thirdy at Mimi, pero ang isa pang ikinatuwa ni Jolo ay sobrang close na rin daw ni Mimi (anak nina Pampi at Iwa) kay Jodi. Kahit nga sina Jodi at Iwa ay lalo raw naging close.

Sabi nga ni Iwa sa isang post niya kung saan may kuha silang magkasama ni Jodi, “Indeed unexpected friendships are the best ones.”

Sinagot naman siya ni Jodi ng, “@iam_iwa love you.”

Sabi ni Jolo, maaaring weird daw sa iba ang ganung setup pero masaya sila at maganda raw ang ganung samahan kaya itinuturing nilang blessing ito.

“Medyo weird tingnan sa iba…but this is reality eh.

“Kumbaga, mas tinitingnan namin ito ‘yung maganda eh, para na rin sa mga bata,” saad ni Jolo.

Tiyak na masusundan daw ang ganung ba­kas­yon.

BOOM: Ayaw nang mag-comment pa ni Dingdong Dantes nang hingan namin ng sagot pagkatapos magbigay ng state­ment ng showbiz columnist na si Ronnie Car­rasco kaugnay sa open letter na inilabas ng Kapuso Primetime King na pagtatanggol sa misis na si Marian Rivera.

Sabi lang ni Carrasco inirerespeto raw niya ang karapatan ni Dingdong sa kanyang reaksyon na pagtatanggol kay Marian. Iginagalang daw niya ang lahat nang mga sinabi ng GMA Primetime King kaugnay sa mga naisulat niya laban kay Marian.

Tinanggihan na nga raw niya ang ibang humi­ngi ng reaksyon sa open letter. Wala na raw siyang maidadagdag pa.

Sinabi namin kay Dingdong ang maikling statement ni Carrasco. Nag-text na lang siya sa amin ng “Please send him my hugs.”

Dagdag pa niyang text sa amin, “Peace to all na lang tayo.”

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with