^

PSN Showbiz

Vice nautot habang nag-i-interbyu sa Showtime!

SEEN SCENE - Pilipino Star Ngayon

Alessandra mas magaling daw gumawa ng istorya kaysa kay Bela

SEEN: Pabiba dahil Inglisera ang impression ng mga tao kay Jayda Avanzado, ang aspiring singer na anak ni Dingdong Avanzado. Ang magkaroon ng Hollywood career ang pangarap ni Jayda.

SCENE: Tawang-tawa kahapon sa sarili si Vice Ganda dahil napautot siya habang iniinterbyu nila ni Anne Curtis sa It’s Showtime ang contestant ng Miss Q & A.

SEEN: Bagay kay Marian Rivera ang bida/contravida role ni Kris Bernal sa Impostora. Isang teleserye na katulad ng Impostora na susubok sa husay niya bilang aktres ang dapat na next project ni Marian sa GMA 7.

SCENE: Walang katotohanan ang balita na disqualified sa talent competition ng Miss Globe 2017 si Nelda Ibe ng Pilipinas dahil sa bintang na lipsync ang pagkanta niya. Gumamit ng plus one back music si Nelda kaya napagkamalan na lipsync ang kanyang pagkanta.

SEEN: Puwedeng panoorin ng mga bata ang The Ghost Bride ng Star Cinema at Spirit of the Glass 2: The Haunted dahil parehong Parental Guidance ang classification ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) sa mga nasabing horror movie.

SCENE: Ang Vertis North Tent ang venue ng Kapamilya Awards, ang parangal sa November 21 ng ABS-CBN para sa kanilang matatapat na empleyado.

SEEN: Pinagkukumpara sina Bela Padilla at Alessandra de Rossi dahil sa kanilang mga talent sa pagsusulat ng mga kuwento na isinasalin sa pelikula. Naungusan ni Alessandra si Bela sa public opinion dahil hinahangaan ang pagkakasulat niya sa kuwento ng 12, ang pelikula nila ni Ivan Padilla.

SCENE: Si Bela Padilla ang sumulat ng script ng Last Night pero may mga loophole na nakita ang movigoers sa kuwento ng pelikula nina Toni Gonzaga at Piolo Pascual.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with