^

PSN Showbiz

Ogie hindi pinayagan sa audition si Nate

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon

Isang special concert ang pinag­hahandaan ngayon ni Ogie Alcasid na may titulong The Soundtrack of My Life. Gaganapin ito sa November 30 sa Newport Performing Arts Theater ng Resorts World Manila.

Ang nasabing concert din ang magsi­silbing selebrasyon ng singer-composer ng kanyang ika-tatlumpong taon sa industriya. “So for one night it’s going to be a journey from what kind of music influenced me in the beginning and of course the music that I have created through the years. The music that I have created for my wife. She’s going to be my special guest. I think I’m going to ask my daughter and my son to sing,” pagbabahagi ni Ogie.

Matatandaang kumanta rin ang anak na si Nate sa concert ni Regine Velasquez kamakailan. “He sang for two nights. ‘Yung kumpiyansa niya, wala lang, tumayo lang siya do’n tapos kumanta na and it’s a blessing. I think he will be an entertainer soon. Kung hindi man, pilot kasi mahilig siya sa eroplano, the singing pilot. I asked him, ‘Anak, kinabahan ka?’ Sabi niya, ‘Not really dad. I think it was better tonight than last night.’ It’s amazing. Normally a kid would just freeze, ma-overwhelm pero wala lang. Amazed ako kay Nate,” nakangiting kwento ni Ogie.

Sa November 8 ay magpipitong taong gulang na si Nate pero hanggang maaari ay ayaw daw ng singer na pasukin na rin ng bata ang show business. “Meron lang nagbulong sa akin baka gusto n’yo mag-audition sa ganito, ganyan. Pero hindi naman ako nagugulat na kasi baby pa ‘yan alam na namin na meron talaga siyang talent. Ang maganda sa kanya hindi niya pinagyayabang na may talent siya. He’s really, really humble and good kid so we’re proud na gano’n siya. He has a few commercials so hindi bago sa kanya ‘yon. Hindi ko alam sa asawa ko, itatanong ko muna sa kanya,” pagtatapos ni Ogie.

Toni umaasang babalikan ni John Lloyd

Ilang linggo nang hindi napapanood si John Lloyd Cruz sa sitcom ng Kapamilya network na Home Sweetie Home. Naka-indefinite leave ang aktor ngayon mula sa kanyang mga trabaho sa ABS-CBN.

Ayon sa katambal na si Toni Gonzaga ay hindi naman dapat mag-alala ang kanilang mga tagahanga dahil siguradong babalik din si John Lloyd sa mga susunod na buwan. “Show naman niya talaga ito. At kung ready na siya, ‘pag na-settle na niya ang personal matters na kailangang asikasuhin, eventually siguro,” bungad ni Toni.

Para sa aktres ay normal namang nagtatrabaho ang kanilang buong grupo sa nasabing comedy show kahit wala si John Lloyd. “Hanggang walang sinasabi ang management, tuluy-tuloy naman ang taping namin. So far, we’re just taking it one day at a time. ‘Pag may script, may call time, go pa rin kami,” nakangiting pahayag ng aktres.

Kamakailan ay nadagdag sa cast ng Home Sweetie Home sina Rufa Mae Quinto at Piolo Pascual.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with