^

PSN Showbiz

Imbes na magalit, Pacman nag-pramis daw na ipakikilala si Jinkee sa ‘kinababaliwang’ mas batang lalaki

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Imbes na magalit, Pacman  nag-pramis daw na ipakikilala  si Jinkee sa �kinababaliwang�  mas batang lalaki

Sen. Manny Pacquiao

Imbes na magalit at magwala, pina­ngakuan pa raw ni Sen. Manny Pacquiao ang misis n­iyang si Jinkee na ipakikilala niya ito nang personal sa kinababaliwang mas batang lalaki, si Ji Chang Wook.

Yup, ang Korean actor na kasalukuyang nasa military training ang super favorite and idol ni Mrs. Pacquiao.

Jinkee Pacquiao

Ayon kay Nay Lolit Solis na nakakausap ni Ms. Jinkee dahil nga sa pagiging K-drama fan nila, binanggit nito na nag-pramis ang boxing champion na mister na makikilala nito (Jinkee) si Ji Chang Wook in person.

‘Yun nga lang karaniwang two years ang military training ng mga Korean. So baka hindi agad ‘yun mangyayari.

Sayang tiyak na may konek si Sen. Manny sa Korean go­vernment at madali sa kanyang makakagawa ng paraan para sana magkita ang kanyang misis at ang super idolo nito na ang huling drama series ay My Suspicious Partner bago nag-training.

Base sa post ni Ms. Jinkee, ginawa n­iyang hashtag ang mga palabas nito, na ibig sabihin ay napanood na niya ang mga drama series ni Ji Chang Wook.

Actually, lumakas ang tourism ng Korea dahil sa kanilang mga K-drama. Noon ang madalas puntahan ng mga Pinoy ay Hong Kong, ngayon ang favorite destination na nila, ang Seoul at todo pictorial sa mga lugar na napanood na nila sa mga K-drama.

At  kasama kami riyan ni Nay Lolit ha na nakatatlong balik na sa South Korea – Seoul, Jeju, and Busan.

At napansin n’yo ba dahil sa Korean craze sa bansa ay nagkalat na rin ang mga franchise ng mga sikat na dessert and café sa South Korea.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with