^

PSN Showbiz

Mark hindi kinaya ang pamasahe pa-Bolovia

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

Ang mahal pala ng pamasahe mula sa Pilipinas hanggang Bolivia dahil parang aabot ng P300,000 ang round trip plane fare.

Eh kapag nagpunta ka doon, kailangan mo pa rin ng datung para sa hotel at food expenses kaya maiintindihan ko kung hindi susunod sa Bolivia si Mark Herras para suportahan ang kanyang girlfriend na si Winwyn Marquez sa laban nito sa Reina Hispanoamericana 2017.

I’m sure, everyday at maya’t maya naman ang communication nina Mark at Winwyn, kahit malayo sila sa isa’t isa kaya parang magkasama rin ang dalawa.

Sa panahon ngayon, kailangan na maging praktikal. Basta ang importante, alam ni Winwyn na kumpleto ang moral support ni Mark na any moment, baka sorpresahin pa rin ang girlfriend niya na gu­magawa ng ingay sa Reina Hispanoamericana.

Song-Song pa-Europe para sa honeymoon

Nakuntento na lang ako sa pagtingin sa wedding photos nina Song Joong-Ki at Song Hye-Kyo na nagpakasal sa Shilla Hotel sa Seoul, South Korea noong October 31.

Star-studded ang kasal dahil umapir ang halos lahat ng mga sikat na Korean stars sa Song-Song wedding.

Kahit strictly private ang wedding ceremony at ang security, nakalusot pa rin ang maabilidad na mga reporter at fans dahil nakunan nila ng video ang pag-iisang dibdib nina Song Joong-Ki at Song Hye-Kyo.

Kung nagpakasal siguro sa ibang bansa ang dalawa, walang fans at media members na makikiusyoso sa kasal.

Ito ang dahilan kaya pinipili ng ibang mga Pinoy celebrity na magpakasal sa abroad pero ang mga bisita naman nila ang super post sa social media ng mga ganap.

Simple, conservative pero elegante ang wedding dress ni Song Hye-Kyo na ipinagawa niya sa Dior, ang sikat na French fashion house. Ang Dior din ang gumawa ng formal suite ni Song Joong-Ki.

Nagsimula ang relasyon ng SongSong couple set ng Descendants of the Sun, ang Koreanovela nila na ipinalabas sa GMA 7 at kinabaliwan ko.

Plano ng mga bagong kasal na pumunta sa Europe para sa kanilang honeymoon at maninirahan sila sa Itaewon, isang sosyal na lugar sa Seoul.

Parang maganda na puntahan ang Itaewon dahil sa nabasa ko na “Itaewon is Seoul’s multicultural mecca, well-known for its excellent restaurants, vibrant nightlife and foreign influence.

“A mix-match of western sophistication and eastern craziness. Itaewon is a global village inside Seoul. You will find foreigners from every corner of the world throughout the year, it is the world in Seoul all year round. It used to be a small village of public officials living in quarters in the Joseon Dynasty.”

Mga sundalong nanggaling Marawi tuloy sa Hong Kong

Mga sundalong lalake ang nanalo sa tatlong house and lot na ipina-raffle ni Senator Cynthia Villars a Wowowin noong Biyernes.

May mga nalungkot para sa female soldiers na hindi naman umuwi na luhaan dahil binigyan sila ni Willie Revillame ng mga jacket at cell phone.

Hindi naman bigung-bigo  ang female soldiers na lumaban sa giyera sa Marawi dahil natupad na ang Hong Kong vacation na promise sa kanila ni President Rodrigo Duterte.

All-expense paid ang Hong Kong trip ng mga sundalo dahil sinagot ni Papa Rody at ng ibang mga private company ang bakasyon nila. Si Papa Rody ang nagbayad sa hotel at pagkain, ang Cebu Pacific naman ang nagbigay ng libreng round trip plane tickets.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with