^

PSN Showbiz

Kim Chiu payag pakasal sa patay!

Pilipino Star Ngayon
Kim Chiu payag pakasal sa patay!

Kim Chiu

Familiar na si Kim Chiu sa kuwento ng The Ghost Bride na tema ng kanyang latest movie na palabas sa Undas.

Kuwento ni Kim kahapon sa presscon ng latest film niya sa Star Cinema, may isang kamag-anak silang pumayag na pakasal sa namatay kapalit ng malaking halaga. Ang kanyang lola ang nagkuwento tungkol dito. Baon umano sa utang ang pamilya ng kanyang kamag-anak. Pagkatapos daw nun, nabayaran nito ang lahat ng utang. Pero malaking responsibilidad ang kailangang sundin ng isang bride na pumasok sa ganung setup na malalaman sa ginawa niyang pelikula.

Maging si Kim ay willing din sa ganito. Kung siguro raw ay wala siya sa showbiz at nangangailangan siya, willing siyang gawin ‘yun.

Anyway, nag-pramis si Kim na sobrang nakakaki­labot ang The Ghost Bride sa direction ni Chito Roño.

Pinasok ng pelikula ang kakaibang klase ng wedding practice na nagmula sa makalumang Tsinong tradisyon.

Umiikot ang pelikula kay Mayen (Kim), isang Filipino-Chinese na babae na isusugal ang buhay sa isang sikretong tradisyon mula sa kulturang Tsino, sa payo ng misteryosong matchmaker na si Madame Angie Lao, upang matulungan niya ang pamilya. Papasukin ni Mayen ang kakaiba at hindi karani­wang pagpapakasal sa isang taong patay na upang mabuhay ang ibang tao.

Ito ang comeback ni Kim sa horror. Last horror film niya ang The Healing with Cong. Vilma Santos noong 2012 pa.

Nagpunta pa sila sa bansang Nepal para mas maging malalim pa ang kuwento.

Kasama ni Kim sa Ghost Bride sina Matteo Guidicelli, Christian Bab­les, Robert Seña, Ina Raymundo at marami pang iba.

Mapapanood ito starting November 1.

Matteo

Matteo umaming hindi ‘kasundo’ ang tatay ni sarah!

Speaking of Matteo, itinanggi nito ang bulung-bulungan na naglayas na naman ang girlfriend niyang si Sarah Geronimo sa kanilang bahay. Ang isyu, umano’y patuloy na hinihigpitan ng kanyang mga magulang si Sarah at kontra sa kanilang relasyon. Ayon kay Matteo na nakausap ng entertainment media kahapon sa presscon ng The Ghost Bride, hindi ‘yun totoo.

Nang tanungin siya tungkol sa isyung mainit ang dugo sa kanya ng Daddy Delfin ni Sarah, ayaw daw n­iyang gaanong magsalita pero hoping siya na ok ang lahat. “Will see, will see.”

Hindi ito ang unang pagkakataon na nabalitang nag-alsa balutan umano ang singer-actress sa kanilang tahanan. Pero parating ang ending ay fake news ang lahat dahil nakikitang kasama pa rin naman niya (Sarah) ang kanyang mga magulang sa ibang mga lakaran.

Ayon kay Matteo dinadaan na lang niya sa kanta ang mga gusto niyang sabihin kay Sarah. 

Kadalasang si Matteo ang nagsasalita ng tungkol sa relasyon nila ni Sarah.

Anne

bashers ni Nadine nakatikim kay Anne

Pinakilig at pinaiyak ng team nina Vice Ganda, Jugs Jugueta, and Teddy Corpuz ang madlang people nang mag-propose at pakasalan ni Teddy ang kanyang asawa sa national TV para sa kanilang trending na Magpasikat Week  performance sa It’s Showtime kahapon.

Matapos ang madamdaming kanta at reverse poetry na handog nina Jugs at Vice, ginulat ni Teddy si Jasmin, ang kanilang dalawang anak, at ang mga manonood nang bigla siyang lumuhod at tanungin ang kanyang asawa ng “Will you marry me again?”

 Hindi pa doon nagtapos ang sorpresa dahil biglang binihisan si Jasmine ng wedding gown at humarap sa altar para sa kanilang kasalan, kung saan inihayag ni Teddy ang kanyang walang hanggang pag-ibig para kay Jasmine.

Marami ang bumilib kay Teddy kaya naman agad-agad na naging trending topic sa Twitter sa buong bansa at worldwide ang hashtag na #MagpasikatJugs­TeddyVice at umani ng libu-libong views sa It’s Showtime online.

Umani rin ang konsepto ng standing ovation mula sa mga hurado, kabilang na ang direktor na si Rory B. Quintos na sinabing “thematically brilliant” ang buong performance. Napaluha at napangiti rin nito sina Maricel Soriano, Marc Logan, Ina Raymundo, at Janno Gibbs.

Nagsimula ang Magpasikat Week, ang taunan at isang linggong kumpetisyon ng hosts, sa prog­rama kahapon (October 17) sa performance nina Billy Crawford, James Reid, at Amy Perez na naghandog ng mahika sa madlang people.

Ngayong araw ay nakatakda ang pasabog ng Team Anne Curtis, Ryan Bang, at Nadine Lustre; Team Vhong, Joey, at Mariel sa Huwebes; at Team Jhong at Karylle sa Biyernes.

Noong nakaraang taon ay nagbunga ang tapang at buwis-buhay performance nina Anne, Amy Perez, at Joey Marquez sa pagsungkit nila ng panalo.

Kaninong team kaya ang magwawagi ngayong taon?

Speaking of Showtime, nag-trending si Anne kahapon matapos niyang soplahin ang bashers ni Nadine nang bumalik ito sa Showtime noong Lunes. “You are horrible person. You never know what a person is going through or how they deal with whatever is it they are feeling. So back off,” pagtatanggol ni Anne.

Inaakusahan si Nadine na hindi nagluluksa sa pagkamatay ng kapatid na si Isaiah dahil nagagawa na raw nitong makipagtawanan at makipagbiruan samantalang hindi pa nagtatagal nang mag-suicide ang kapatid niyang nakababata. (SALVE V. ASIS)

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with