PSN Home Skinning Left , pagematch: 1, sectionmatch:
PSN Showbiz ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Hindi nahahalata ng mister na aktor female personality pa-booking tuwing katapusan ng buwan!

Ilang taon na ang nakararaan ay regular caller ng isang simple lang pero kilalang pimp ng mga artista ang isang female personality. Walang paltos ‘yun, tuwing malapit na ang katapusan ay siguradong tatawagan niya na ang Boogie Wonderland, kailangan niya kasi ng datung.

Tuwing katapusan kasi ang bayaran ng inuupahan nilang apartment ng kanyang mister, ‘yun din ang nakatakdang oras ng pagbabayad nila ng sasakyan, pati ng kanilang ilaw, tubig at marami pang ibang bayarin.

Kuwento ng dyugaling ay hindi raw naman maluho ang female personality, pambayad lang talaga sa kanilang mga pangangailangan ang kailangan niyang ihanap ng solusyon, kaya nagpapa-booking siya.

“Once a month lang niya ginagawa ang ganu’n, hindi siya ‘yung regular na humihingi ng booking para sa mga granatsa niya. Pambayad lang talaga ng mga utilities nila ng mister niya ang concern niya.

“Pagkatapos ng booking na ‘yun, mananahimik na naman siya, hanggang sa dumating na naman ang katapusan, walk na naman siya,” simulang kuwento ng aming source.

Ang ipinagtataka ng samahan ng mga Boogie Wonderland ay kung pano ‘yun nagagawa ng female personality nang hindi nakahahalata ang asawa niyang artista rin. Nalulusutan niya ito nang wagas na wagas.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

“Malaking palaisipan nga sa mga dyugaling ‘yun, e! Gusto nilang isipin na dahil hindi naman kalakihan ang kinikita nilang mag-asawa, e, pinapayagan ni ____(pa­ngalan ng mister ng female personality) ang wife niya na gumawa ng sideline.

“Pero wala naman sa character nu’ng mister niya ang ganu’n, saka meron pa siyang malalapitang kapamilya niya na makatutulong sa kanila. May lalaki ba namang papayag na magbebenta ng katawan ang mahal niya para lang maisalba ang mga gastusin nila?

“Pero ‘yun talaga ang nangyayari, e! Kapag malapit na ang katapusan ng bawat month, e, nagpapa-booking ang girl! Maganda naman ang presyo niya, hindi naman siya binabarat-barat, kaya sobra pa siguro sa mga needs nilang mag-asawa ang talent fee ng girl!

“Tumigil na lang ang girl nu’ng medyo gumanda na ang kabuhayan showcase nila. May pinanggalingan ang malaking halagang napasakamay ng husband niya. Nakaginhawa rin sila.

“Nu’ng minsang tawagan siya ng booking agent niya, e, sinabi ng girl, ‘Ate, rest muna ako, kapag kailangan na lang uli.’ Kaya n’yo ‘yun?” mahabang kuwento ng aming source.

Ubos!

Vice Ganda at Coco friendship over na!

Lumutang na ang kuwento ng hindi pagkakaunawaan ng dating magkaibigang sina Coco Martin at Vice Ganda. Kung paniniwalaan ang mga tsikang umiikot ngayon ay tungkol sa mga pelikulang ipapasok nila sa Metro Manila Film Festival (MMFF) ang naging ugat ng kanilang hidwaan.

Sabi ng isang nakausap namin, “Kinausap ni Coco si Vice. Pinakiusapan niya si Vice na huwag na munang magkaroon ng entry sa MMFF, dahil nga plano niyang gawin ang Ang Panday.

“Hindi siyempre pumayag si Vice! Ang katwiran niya, e, bakit siya ang maggi-give way, samantalang taun-taon, e, meron siyang entry sa MMFF?

“Hanggang sa mauwi na ‘yun sa mas malalim na issue. Nagkaroon na sila ng pagsusumbatan. Hanggang sa hindi na sila nag-usap. Nagkaroon na sila ng samaan ng loob,” kuwento ng aming source.

Dahil hindi nga pumayag si Vice Ganda na huwag siyang magpasok ng entry sa MMFF ay magiging magkalaban pa sa takilya ang mga pelikula nila ni Coco Martin. Magkaiba naman ang kanilang atake.

Action ang kay Coco at comedy ang kay Vice. Pero kahit bali-baligtarin ang sitwasyon ay magi­ging magkalaban pa rin sila. Maraming nanghihinayang sa kanilang pagkakaibigan.

“Dati silang magkasama sa movie, successful ang tambalan nila, pero magkalaban na sila ngayon. Ang buhay nga naman ng mga artista. Anything can happen. Walang forever,” sabi pa ng aming kausap.

Harinawang parehong magtagumpay ang kanilang mga pelikula sa darating na MMFF. Siguradong pareho nilang pinaghandaan ang kani-kanilang entry, pinagsasakripisyuhan nila, kaya dapat silang makatanggap ng magandang premyo.

At sana rin ay manumbalik ang dati nilang pagkakaibigan. Huwag sana nilang payagang masira ang maganda nilang pinagsamahan nang dahil lang sa ganyang senaryo.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us:
PSN Home Skinning Right, pagematch: 1, sectionmatch: