^

PSN Showbiz

Camille nanganak na! Young actress na wala pang napatunayan diva-divahan kung umasta

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon

PIK: Lalong na-excite si Pauleen Luna nang mabalitaan niya ang pa­nganganak ng isa sa mga best friend niyang si Camille Prats.

Nasa social media naman ang detalye ng panga­nganak ni Camille noong nakaraang Biyer­nes ng gabi sa St. Luke’s Global.

Noong araw ding iyon ay nagpa-check up si Pauleen kung saan nagpa-ultrasound siya ng 4D, at doon na niya nakita ang mukha ng baby niyang nasa 7th month na.

Matangos ang ilong ng baby. Kaya hindi napigilan ni Pauleen na maluha nang makita ito.

“Siyempre, happy siya,” text back sa amin ni Pauleen nang tanungin namin kung ano ang re­aksyon ni Bossing Vic nang makita ang video ng sonogram ng kanilang magiging baby.

Dalawang pangalan ang napili ni Pauleen sa Bible para sa kanyang baby. Nag-promise kaming huwag muna itong isulat, dahil gusto niyang sabihin na lang ito pagkapanganak niya. Basta ang meaning ng name ay ‘miracle’ para sa kanilang ma­g-asawa.

PAK: Natatawa na lang ang production staff ‘pag umaastang sikat ang isang young actress. Diva-divahan daw ang drama nito na kesyo ayaw pumunta sa set kapag hindi pa ready ang lahat. Tumatanggi pa raw itong mag-memorize ng lines dahil alam na raw niya ang mga sasabihin. Namimili pa raw siya ng gusto niyang kasama sa tent. Kaya tumataas ang kilay ng mga staff kapag may hanash ang diva-divahang aktres.

Sabi ng isang staff, huwag daw sana siyang umastang sikat dahil ang name lang niya ang sikat, pero siya mismo ay hindi.

BOOM: Ang isa pala sa wish ni Carmina Villaroel ay ang magkaroon ng sariling drug store.

“Gustung-gusto ko ‘yung busy ako sa pag-aa­yos ng mga tinda ko na gamot, tapos ‘yung nagku-compute, habang abala lahat sa pagtitinda ng gamot, gustung-gusto ko ‘yun,” excited na pahayag ng actress/TV host nang humarap ang pamilya Legaspi sa media para sa launching ng bagong endorsement nilang CitiDrug na ginanap sa Marquis Events Place sa BGC  kamakalawa ng hapon.

Sabi ng CitiDrug executives na sina Dr. Enrico Sta. Ana at Mr. William Russel Scheirman, sina Zoren at Carmina kasama ang kanilang kambal na sina Maverick at Cassandra ang perfect na mag-represent ng pamilyang Pilipino. Medyo malaking challenge ito sa mag-asawa dahil kailangang hindi sila masangkot sa gulo at maganda pa rin ang image nila sa publiko.

Sabi naman ni Carmina, wala raw silang pretensyon na kailangang makita ng publiko. What you see is what you get, sabi nga niya. May mga problema rin daw sila minsan pero hindi na kailangang malaman ng lahat.

“Hindi naman kami perfect. Nag-aaway din naman kami. Hindi ko nga lang ibu-broadcast sa buong mundo.

“Saka ‘pag may problema, pag-usapan na para maayos agad,” pahayag ni Carmina.

Isa lang naman ang concern ni Zoren para hindi siya masira at madamay ang buong pamilya. Ang traffic daw. Kaya nga raw kumuha na siya ng driver para hindi uminit ang ulo niya sa kalye, at baka kung ano pa ang magawa niya.

Ani Zoren, “Yan ang one of the reasons kung bakit nag-hire ako ng driver. Dahil ‘pag nahuli akong nag-road rage diyan sa EDSA, patay na lahat ng endorsement.

“Baka because of a simple problem sa traffic, masisira ang pangalan ko, madadamay pa sila. So, I took care of that problem. ‘Yun lang naman ang pinaka nakita kong heavy load as endorser. Aside from that, we are very blessed I guess, dahil for some reason kasi, ‘yung mga clients, they’re very happy.”

Thankful ang mag-asawa sa CitiDrug dahil mukhang bibigyan naman sila ng franchise para magkaroon na raw sila ng sarili nilang drug store na matagal nang pinangarap ni Carmina.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with