^

PSN Showbiz

Heart bibiyahe muna bago pabuntis!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon

Wala sa script ang pagsayaw ni Heart Evangelista sa isa sa mga eksena sa My Korean Jagiya habang hinihintay ang pagpasok ni Alexan­der Lee sa kanilang bedroom na first night nila as man and wife. Sabi ni Heart, naisip niyang sumayaw dahil hindi nito alam ang gagawin at hindi in-expect na magkiklik sa viewers.

Natuwa sa kanya si direk Mark Reyes, big reve­lation sa kanya si Heart na hindi akalaing babagay sa rom-com at all out sa comedy scene.

Hindi rin ini-expect ni Heart na marami ang kikiligin sa kanila ni Alexander Lee at natawa sa nababasang comments na sana ay maging real ang love team nila. Malabong mangyari ito dahil very much married siya kay Sen. Chiz Escudero at naghahanda na nga sa magiging baby nila next year.

“Nakakatuwa dahil hindi na ako si Heart sa viewers ng My Korean Jagiya, ako na si Gia sa kanila. The last time na ganito ang level ng kilig sa nakaka-love team ko, noong kay John Prats pa. Feel ko na tanggap ang love team, overwhel­ming ang response ng estimated 20k crowd sa mall show sa Naga. I am overwhelmed, I hope we can do more. Basta marami pa kaming kilig scenes,” pangako ni Heart.

Napanood ni Sen. Chiz ang kissing scene nina Heart at Alexander at natawa ito dahil hindi uso ang selos sa kanya. Madalas nga nilang imbitahan si ­Alexander sa bahay nila. Doon pa nga isinulat ni Alexander ang Korean at English lyrics part ng version nila sa theme song.

Anyway, bago ang planong baby nila ni Sen. Chiz next year, bibiyahe muna sa Paris si Heart. “I have few mee­tings and attend certain events, like fashion event. Mga December o January ‘yun.”

Dingdong nag-renew ng kontrata sa Philippine Navy

Pati si Richard Gutierrez ay nag-like sa picture ni Dingdong Dantes na may caption na, “revisi­ting and renewing commitments—with our Navy’s Flag Officer In Command, Vice Admiral Mercado.” Reservist ang aktor ng Philippine Navy, kaya naka-uniform pa nang mag-renew ng kontrata.

Samantala, ang ganda ng picture na sama-sama sina Dingdong, Gio Alvarez, Paolo Contis, at Empoy sa Bellini’s Italian Restaurant.

Ang inilagay na caption ni Dingdong sa picture nilang apat, “Good vibes naturally gravitate towards this cool, grounded, funny, and lucky guy. Thanks for the treat @empoy.” So, si Empoy ang nag-treat sa kanilang tatlo?

Curious ang followers ni Dingdong kung saan nagkasama sina Dingdong at Empoy, pero sina Paolo at Gio, kasama ni Dingdong sa Alyas Ro­bin Hood 2.

Zoren naghahanap na nang pagtatayuan ng drug store

Napapangiti ang mga executive ng CitiDrug na sina Dr. Enrico Sta. Ana at Mr. William Russel Scheirman sa mga pahayag ng endorsers nilang sina Zoren Legaspi at Carmina Villarroel at kambal na sina Mavy at Cassy sa presscon/launching ng Legaspi family bilang endorser ng CitiDrug.

Pinayagan silang magkaroon ng franchise ng Citi­Drug at naglo-location hunting na sila within Pasig and Cainta area. Ang maganda kay Zoren, pati ibang mga taga-showbiz na gustong mag-franchise sa CitiDrug, inilapit din niya sa mga bossing.

Magiging available sa CitiDrug ang generics at branded medicine. One stop shop din ito na ikinatuwa ni Cassy dahil puwedeng mag-load at may snack corner pa.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with