^

PSN Showbiz

Maricel nagparamdam na babalik na!

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon

Marami ang natuwa nang muling mapanood sa telebisyon sa pa­ma­magitan ng longest-running and award-winning drama anthology na Maalaala Mo Kaya ang Diamond Star na si Maricel Soriano na med­yo matagal-tagal na ring hindi napapanood sa small and big screen.

Matapos mapanood kasama sina JC de Vera at Dimples Romana, umaasa ang fans ni Maricel na sana’y ito na ang senyales ng kanyang pagiging aktibong muli lalupa’t taglay pa rin niya ang pagiging isang mahusay na aktres.

Kundiman King na si Ric namaalam na

Tuluyan nang namaalam ang tinaguriang Hari ng Kundiman na si Ric Manrique, Jr. noong nakaraang Biyernes ng hapon, September 22, 3:28 p.m. Pacific time (September 23, 6:28 a.m. Philippine time) dahil sa atake sa puso at kumplikasyon ng kanyang sakit na diabetes. He was 76.

Si Ric ay dating miyembro ng Mabuhay ­Singers noong dekada `50 hanggang sa siya’y ku­malas sa grupo para mag-solo in the 1960’s.

Ric was best known sa kanyang mga classic kundiman hit songs tulad ng Sapagka’t Kami’y Tao Lamang, Ikaw ang Ligaya Ko, Dahil sa Isang Bulaklak, at marami pang iba. He also recorded an Ilocano album kung saan kasama ang O Naraniag a Bulan at Dungdungawen Canto at isang Christmas album.

Bukod sa Queen of Song na si Pilita Corrales, si Ric Manrique ang may may pina­kamaraming hit kundiman songs na ka­ra­mihan ay naging titulo at theme song ilang classic films tulad ng Ang Daigdig Ko’y Ikaw na tinampukan ng King and Queen of Philippine Movies na sina Fer­nando Poe, Jr. and Susan Roces in 1965 na idinirek ni Efren Reyes, Sr.

Nawala man ni Ric Manrique, Jr., mananatiling buhay sa alaala at puso ng mga tao ang kanyang mga pinasikat na awitin.

Mavy at Cassy may investment na agad

Ang isa pang celebrity family na in demand sa product endorsements ay ang Legaspi family na binubuo ng mag-asawang Zoren Legaspi at Carmina Villarroel at ang twins nilang si Cassy at Mavy.

Ang Legaspi family ang kauna-unahang celebrity endor­sers ng CitiDrug (Para sa Pamilyang Pilipino) and they were formally launched last Saturday afternoon (September 23). 

Kahit parehong working parents sina Zoren at Carmina, hindi ikinakaila ng mag-asawa na pareho rin silang hands-on parents sa kanilang kambal na sina Cassy at Mavy.

Sa mag-asawa, si Zoren ang mahilig mag-invest. Ultimo ang kinikita ng kanilang kambal na anak ni Carmina sa mga endorsement ay nasa investment habang ang iba ay naka­tago sa bangko.

At studies and sports pa rin ang priority sa kanilang twins na sina Cassy at Mavy.

“When we were their age, hindi kami pareho mahilig mag-aral,” pag-amin ni Zoren.

 “We’re so proud of Cassy and Mavy dahil bukod sa mababait ang mga anak namin, they’re both responsible at hindi sila spoiled,” dugtong naman ni Carmina.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with