^

PSN Showbiz

Kabisera mapapanood sa Cinema One

Pang-masa

MANILA, Philippines — Mapapanood na ang Superstar na si Nora Aunor sa pelikula kung saan kinilala siya bilang 33rd PMPC Star Awards Best Actress, ang power­ful family drama na Kabisera na ipapalabas na sa Cinema One ngayong Linggo.

Sentro ng pelikula si Mercy (Nora), ina ng pa­mil­yang nasangkot sa gulo ng extra-judicial killings at iba pang abusong nagaganap sa lipunan. Ang ins­piring na kwento nito ay base sa tunay na ka­ra­nasan at umiikot sa isang ina at asawa na ha­ha­ra­pin ang pinakamabigat na pagsubok sa pag­dis­kubre niya ng mga lihim na kinasasangkutan ng kanyang pamilya.

Maliban sa bidang itinuturing na Grand Dame of Asian Cinema, kasali sa top-caliber cast ng pelikula ang award-winning actors na sina Ricky Davao, JC De Vera, Jason Abalos, Victor Neri, at Perla Bautista, pati na rin sina RJ Agustin, Ronwaldo Martin, at Alex San Agustin.

Kabilang ang Kabisera sa 2016 Metro Manila Film Festival (MMFF). Binigyang pansin ng screening committee nito ang kalidad ng pelikula dahil sa epektibong direksyon, script, at sine­ma­to­grapiya na sinabayan pa ng magaling na pagganap ng mga bidang artista. Ito ay mula sa direksyon nina Real Florido at Arturo San Agustin, at prinodyus ng Firestarters Productions at Silver Story Entertainment.

Panoorin ang matinding laban ng isang ina para sa kanyang pamilya kasama ang nag-iisang Superstar sa Kabisera, ipapalabas na sa Blockbuster Sunday ng Cinema One ngayong Linggo, 8 p.m. 

Mapapanood ang Cinema One sa SkyCable at Destiny Cable Digital Ch. 56, at Destiny Analog Ch. 37. Sundan ang Cinema One sa Facebook facebook.com/Cinema1channel para sa kumpletong schedule nito.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with