^

PSN Showbiz

Mccoy inspirado kay Coco!

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pang-masa

Masayang-masaya si McCoy de Leon dahil natupad na ang pangarap niyang makagawa ng isang proyektong aksyon ang tema. Kabilang ang baguhang aktor sa pelikulang Ang Panday na pinagbibidahan ni Coco Martin.

Ayon kay McCoy ay nagsisilbing inspirasyon sa kanya ngayon si Coco na siya ring direktor ng nasabing pelikula. “Masasabi kong nakaka-inspire kasi hindi lang siya bilang direktor, nakita ko siya bilang aktor, bilang malikhain na tao. Sobrang talino, sobrang sipag. Ang masasabi ko lang siguro na actually wala akong masasabing flaws sa kanya. Kasi kung nakita mo talaga, ‘yung gusto talaga niya ginagawa niya,” kuwento ni McCoy.

Kung papalarin ay gusto rin daw marating ng binata ang narating ni Coco. “Marami pa akong dapat kaining bigas. Marami pa akong dapat kaining bigas. Marami pa akong dapat patunayan kaya nagpupursigi ako muna na matuto pa, kaya sobrang layo pa siguro no’n,” dagdag ni McCoy.

Palagi raw binibigyan ng payo ni Coco si McCoy kahit noong nag-guest sa FPJ’s Ang Probinsyano ang huli. “No’ng nag-Ang Probinsyano kami, palagi siyang nagsasabi na stay lang kung saan ka nag-umpisa. ‘Yung mga nakaka-distract sa ‘yo huwag mong pansinin kasi do’n siya nagpursige. Nag-focus siya sa sarili niya hanggang naabot niya ‘yung mga gano’n. Si kuya Coco sobrang makamasa kaya nakikita ko rin na ang sarap makisama. Bilang artista rin na mag-reach out din sa mga tao na mga simpleng tao lang din na alam mong madali kang lapitan din,” nakangiting pahayag ni McCoy.

Robi naiinggit sa mga kaklaseng doktor

Nagmula si Robi Domingo sa pamilya ng mga duktor. Surgeon ang ama habang pediatrician naman ang ina ng aktor.

Pinangarap din ng aktor noon na maging duktor pero naudlot ito dahil pinalad siyang makapasok sa show business. “Before I was really serious. Ang pre-med ko kasi is Health Sciences in Ateneo before. I was really prepared to go to Ateneo School of Medicine Public Health. Ang nagyari lang, kinausap ako ni direk Lauren (Dyogi), sabi niya sa akin just take a year off. Eh binigay po ‘yung PBB (Pinoy Big Brother), after PBB nagdire-diretso na po. nagkaroon ng The Voice, Dance Kids, I Can Do That. I’m so blessed, I just so lucky,” pagdedetalye ni Robi.

Aminado ang aktor na nakaramdam siya ng pagsisisi na hindi siya naging isang ganap na duktor. Nakararamdam din ng inggit si Robi sa mga kaklaseng duktor na ngayon. “Siyempre may inggit. Kasi magulang ko doctor, tapos sila. Actually nag-bonding kami, hinihintay na nila ‘yung resulta tapos makukuha nila ‘yung license nila at naka-white coat pa sila. ‘Yung iba pa nga do’n nangongopya sa akin dati eh pero ngayon doctor na. So medyo nainggit ako nang slight. Iniisip ko kung sila naka-white coat, ako naka-black coat naman ‘pag Star Magic Ball,” natatawang pagtatapos ni Robi.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with