^

PSN Showbiz

Angelica ipinipilit na si John Lloyd ang makatuluyan!

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon

Matagal-tagal na ring hiwalay ang dating magkasintahang John Lloyd Cruz at Angelica Panganiban pero marami pa rin ang umaasa na sana’y magkabalikan ang dalawa lalupa’t nanatili ang kanilang pagiging magkaibigan. Pero mukhang hindi ito matutupad dahil consistent at persistent ang pagkaka-link ngayon ni JLC sa kanyang kasamahan sa Home Sweetie Home na si Ellen Adarna lalupa’t nagkasama ang dalawa with Ellen’s friends sa magkasunod na bakasyon sa Cebu.

Kung ano man ang real status ng relasyon ngayon nina JLC at Ellen ay wala namang magiging problema dahil parehong single ang dalawa. Noon pa man ay aminado na si Ellen na type niya si John Lloyd.

Kasalukuyan nga palang nasa Nepal si Angelica kasama ang kaibigang si Glaiza de Castro.

Loisa ayaw nang malungkot kay Joshua!

Kung masaya ngayon si Joshua Garcia sa kanyang rumored girlfriend na si Julia Barretto, tila naka-move on na rin si Loisa Andalio dahil sila naman ngayon ni Ronnie Alonte ang napapabalitang nagkakamabutihan.

Sina Joshua at Ronnie ay nakasama ni Julia sa 2016 hit Metro Manila Film Festival (MMFF) movie na Vince & Kath & James habang sina Julia at Ronnie ay magkasama sa magtatapos na primetime TV series na A Love To Last. Sina Joshua at Loisa naman ay magkasama sa malapit nang magsimulang The Good Son na siyang papalit sa A Love To Last.

Bago dumating si Julia sa buhay ni Joshua ay na-link noon ang young actor kay Loisa.

Samantala, dalawang mag-ex ang magkasama sa teleseryeng The Good Son, sina Elisse Joson at Jerome Ponce at sina Joshua Garcia at Loisa Andalio.

Jackie hoping sa patawad nina Andre at Kobe

Hanggang ngayon ay hindi pa rin nawawalan ng pag-asa ang dating actress na si Jackie Forster na lalambot din ang puso sa kanya balang araw ng da­lawa niyang binatang anak sa kanyang ex-husband na si Benjie Paras na sina Andre at Kobe Paras.

Si Jackie ay kasalukuyang naka-base sa Malaysia with her second Dutch husband at tatlong anak.

Kisses nag-e-effort sa SMB

Maraming first timer sa Star Magic Ball kabilang na ang magka-loveteam na Maymay Entrata at Edward Barber ganundin sina Kisses Dalavin at Marco Gallo. First time ring dadalo ang panganay na anak ni Ogie Alcasid sa ex-wife nitong Australian beauty queen na si Michelle van Eimeren na si Leila Alcasid.

Dahil pabonggahan ang mga kasuotan ng mga dadalo, hindi rin siyempre magpapahuli sina Maymay, Kisses, at Leila na hindi pa alam kung sino ang makaka-date sa SMB.

Kung ang fashion designer na si Francis Libiran ang gumawa ng bonggang gown ni Kisses sa kanyang debut, si Francis din ang gagawa ng gown na isusuot mismo ng dalaga sa gabi ng Star Magic Ball.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with