^

PSN Showbiz

Mga bading tuloy ang labanan ng utak

SANGA-SANGANDILA - Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon

Kakaibang paligsahan para sa mga beki ang kasalukuyang isinasagawa sa programa ng ABS-CBN na It’s Showtime na Miss Q and A.

Hindi ito first time na magkaroon ng ganitong paligsahan para sa mga gay on national TV, pero first time ito na hindi ang ganda ang binibigyan ng importansya kundi ang kakayahan ng mga kalahok na magbigay ng matinong kasagutan sa mga tanong na nakakalito at nakakatawa. Kaya may mga sumasali sa Miss Q and A na hindi kagandahan, hindi sexy, walang ngipin, at mayroon pang may edad na, pero tanggap pa rin sila. Katunayan, dalawa sa pumasok sa grand finals ay nasa heavy side, si Juliana Parizcova na nag-iisa lamang ang ngipin at mataba rin, pero magandang si Matrica Mae Centino. Parehong beteranang kontesera ang da­lawa na ngayon pa lamang ay hinihintay na ng mga manonood ang pagtatapat sa finals dahil sa parehong magandang sumagot sa mga katanungan.

Dalawa rin sila sa mga beki na pinag-uusapan ngayon na may kalakip na paggalang.

Paul nag-sorry sa pang-aasar 

Masayang malaman na madaling natuldukan ang away sa pagitan nina Daniel Padilla at Paul Salas. Ang mas nakababatang artista na ang nag-instigate ng kanilang pagbabati sa pamamagitan ng paghingi ng sorry hindi lamang sa Teen King kung hindi sa lahat ng fans at followers nito.  Mapipintasan naman si DJ kapag dinedma niya ang efforts ni Paul na magkaayos sila. Bagaman at marami ang umaasam na matuloy ang match nila sa baskeball, marami rin ang nagpapayo na huwag na itong ituloy.  Masyadong pisikal na sport ang basketball at hindi man gustuhin ng mga naglalaro nito ay maaa­ring magbunga sa pikunan at sakitan. Kaya, huwag na lang!

Joshua makikipag-agawan ng Best Actor Award

Napakasuwerte talaga ni Joshua Garcia. Pinili kasi siyang bigyan ng nominasyon ng mga kasamahan niya sa industriya ng pelikula bilang Best Actor para sa role niya sa Vince & Kath & James sa gaganaping Luna Awards na magaganap sa Agosto 26 sa Resorts World Manila.  Nominado rin at makakalaban niya sina Aljur Abrenica (Ang Hapis at Himagsik ni Hermano Puli), Paolo Ballesteros (Die Beautiful), Ronwaldo Martin (Pamilya Ordinaryo), at Bembol Rocco (Pauwi Na).

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with