^

PSN Showbiz

Joshua at Julia umamin na sa totoong relasyon!

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Joshua at Julia umamin na sa totoong relasyon!

Julia Barretto

January pa ng taong ito nang simulang ligawan ni Joshua Garcia si Julia Barretto. Matatandaang unang nagkatambal ang dalawa sa pelikulang Vince & Kath & James noong isang taon.

“Sobra kong nae-enjoy ang presence niya and sobra niya akong napapasaya. Napapasaya niya ako nang sobra,” makahulugang bungad ni Joshua.

Kahit hindi pa man sinasagot ni Julia ang aktor ay gusto raw ni Joshua na imbitahan ang aktres at ipakilala sa kanyang pamilya na nasa Batangas. “Puwede siyang maghindi. Nakakatakot kasi talagang magtanong. Kasi parang lahat naman tayo natatakot tayong ma-reject,” paliwanag ni Joshua.

Para naman kay Julia ay hindi niya hahayaang manligaw ang binata ng ilang buwan kung hindi niya ito gusto. “Siyempre pinayagan ko siya manligaw kasi may gusto rin naman talaga sa kanya,” pagtatapat ni Julia.

Hindi raw nakikita ng dalaga na magiging sagabal o problema sa kanyang career kung sakali mang maging magkasintahan sila ni Joshua. “Very well loved naman siya by my family. Very well accepted kaya nakakatuwa rin naman para sa akin. If I’m being very honest, I’ve learned to prioritize my work but he’s become such an important person in my life and it’s not like nakakasagabal siya sa trabaho ko. I don’t see any problem naman kung if ever, pagsabayin,” giit ng aktres.

Daniel at Kathryn magsososyo na rin sa negosyo

Noong Huwebes ay nakapagtapos na ng kolehiyo ang kapatid ni Daniel Padilla na si Jose Carlito o mas kilala sa tawag na JC. Masayang-masaya si Daniel dahil nakapagtapos ng kursong Business Administration ang nakababatang kapatid.

“Ang saya makita na ‘yung utol mo sa wakas natapos mag-aral. Parang ang galing eh, idol eh. Araw-araw kaming puyat no’n pero naka-graduate siya saka pasadung-pasado ‘yung utol ko and very happy ako na nakikita ko. Parang isang mission complete naman para sa ermat ko,” nakangiting pahayag ni Daniel.

Samantala, nagbukas na rin noong isang linggo ang District 8 bar na pagmamay-ari ng aktor. Malaki ang naging impluwensya ng mga kaibigan ng aktor upang pasukin na rin ang pagnenegosyo. Kasosyo rito ng aktor sina James Yap at Vice Ganda.

“Ako very happy na kahit ‘yung ermat ko eh talagang sumusuporta sa akin dito. May mga kaibigan ako na kagaya ni Paul Artadi, na mga partners ko, na naging gabay para magkaroon din ako ng isang business na kagaya nito. Sila din ‘yung nag-invite sa akin,” paliwanag ni Daniel.

Posibleng magsosyo rin sa isang negosyo ang aktor at kasintahang si Kathryn Bernardo. Kamakailan ay nagbukas na rin ang KathNails na isang nail salon na pag-aari naman ng aktres.

“Kami ni Kathryn, siyempre very soon malay n’yo magkaroon din kaming dalawa. Marami na rin akong naiisip na ganito. Ito kasi restaurant siya and at the same time gastropub siya. Gusto ko rin naman ‘yung bilyaran na area, baka soon eh mag-second branch tayo na gano’n naman,” pagbabahagi ng aktor.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with