^

PSN Showbiz

Ryan Reynolds at Samuel L. Jackson bida sa aksiyon at nakakatawang Hitman’s

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines -  Unang Nagkasama sa pelikula sina Ryan Reynolds at Samuel L. Jackson noong 2013 nang ibahagi nila ang kanilang boses sa animated film na Turbo.  Ngayon, inaabangan na ang kanilang pagtatambal sa live action-comedy film na  The Hitman’s Bodyguard.   

Si Reynolds ay gumaganap bilang Michael Bryce, isang Triple A-rated execu­tive protection agent, habang si Jackson naman ay si Darius Kincaid, isa sa pinakamalupit na hired killer na nahuli ng Interpol.  Para makalaya ang kanyang asawang si Sonia (Salma Hayek) sa bilangguan, nakipagkasundo si Kincaid sa mga awtoridad na maging star witness laban sa diktador na si Vladislav Dukho­vich (Gary Oldman).  

Inutos ni Dukhovich na i-ambush si Kincaid at ang mga pulis, ngunit naitakas pa rin ng Interpol Agent na si  Amelia Roussel (Elodie Yung) ang kanilang star witness at dinala ito kay Bryce.  Sa loob ng 24 oras, kailangang madala ni Bryce si Kincaid sa Hauge kung saan ginaganap ang paglilitis.  Hindi maitago ng dalawa ang pagkamuhi sa isa’t isa, ngunit kailangan nilang magtulungan para labanan ang ‘di mabilang na mga taong tumutugis sa kanila..

Sinabi ni Ryan Reynolds na gusto niya ang “bromance” na namamagitan kina Bryce at Kincaid at ang ilang elemento ng love story sa action movie na ito. “I love the bond between Bryce and Kincaid. These two guys couldn’t be more polarized but as we move through the story they start to acquire begrudging love and respect for each other. There’s a bromance and several love stories all wrapped up in this incredible, crazy action story.”

Bukod sa comedy, ipinagmama­laki rin ng pelikula ang mga rumaragasang sasakyan, makapigil-hini­ngang stunts at iba pang effects.  Pinuri ni Reynolds si Patrick Hughes bilang direk­tor dahil sa paggawa nito ng “incredible action sequences” na nakaka-entertain at hindi “dark” ang dating.  Una nang naging direktor si Hughes sa star-studded action blockbuster na The Expendables 3.

Malaking tulong ang stunt expert na si Greg Powel (Skyfall, Harry Potter series, and Avengers: Age of Ultronpara gawing posible ang mga action scenes na naisip ni Hughes.   Ayon sa kanya ang pinakamalaking hamon ay kung paano gawing kakaiba ang bawat fight scenes

Sigurado naman siyang ikatutuwa ng mga manonood ang habulan ng mga kotse, motor, police cars at maging mga speedboats. “The biggest challenge was that with so many fights throughout the story, (they) had to find a way to keep each one fresh, different and fun...cars, motorbikes, SUVs, police cars and even speedboats are racing through the canals of Amsterdam.”  

Bukod sa umaatikabong bakbakan sa lan­sa­ngan ng Europa, inamin ni Samuel L. Jackson na tinanggap niya ang pelikula dahil sa pagkakataong makatrabaho ang kaibigan niyang si Salma Hayek. Para gampanan ang kanilang papel bilang mag-asawa, kwento ng aktor, mahal na mahal ni Sonia si Kincaid ano pa man ang mga pagkakamali nito at dahil sa kanya may natutunan si Kincaid sa pag-ibig.  (“Sonia loves Kincaid despite his many flaws – and because of her, Kincaid has learned a bit about romance.”)

Tinuturing ni Hayek ang kanyang fight scene sa bar bilang pinakamalaking hamon sa kanya.  Bugbog daw ang kanyang pakiramdam matapos kunan ang eksena, ngunit masaya siya na sa edad na 49, kaya niya pa ring gawin ang lahat ng kanyang stunts.  (“I was sore for a week after we shot that,” she admits.  “But I’m so happy that at 49 I am still kicking ass and able to do all my stunts.”)   

Tulad ng aktres, ginawa rin nina Reynolds at Jackson ang karamihan sa kanilang stunts.  Ayon kay Jackson, maraming suntukan sa pelikula na gustong makita ng mga fans ng action movies.  (“There’s a lot of hand-to-hand in the film and it makes us look heroic which is part of the joy and what people want to see.)

Palabas na ang “The Hitman’s Bodyguard” sa mga sinehan simula August 23, 207.  Handog ng VIVA International Pictures at MVP Entertainment.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with