^

PSN Showbiz

Lovi ayaw pasakal sa bf na French

SANGA-SANGANDILA - Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon

Napakaswerte ni Lovi Poe dahil hindi siya pinagbawalan ng kinabibilangan niyang GMA 7 na lumabas siya sa ilang programa ng kalabang network nito na ABS-CBN para sa promosyon ng kanyang pelikula sa Regal Films kapareha ang Kapamilya na si Vhong Navarro, ang Woke Up Like This. Maraming manonood ang mga napuntahan niyang mga programa tulad ng Magandang Buhay na kung saan ay nagluto pa ito at sa Tonight With Boy Abunda na kung saan ay napilitan siyang sagutin ang isyu  tungkol sa kanila ni Chris Johnson, ang sinasabing karelasyon niya ngayon. Itinanggi niya ito sa King of Talk at sinabi lamang na “What you see is what you get”.

Sinabi ng anak ni Da King na  hindi siya ang tipo ng babae na clingy o ‘yung mahigpit kumapit sa isang lalaki lalo’t isang karelasyon. “Ayaw ko nang nasasakal. Kailangan ko ng space, ayaw ko ng restrictions,” pag-amin niya.  

Natatawang ikinwento niya na minsan ay isinama niyang manood ng isa sa kanyang mga pelikula ang sinasabing boyfriend niya. Nagselos ito sa love scenes niya at bagaman at hindi niya naintindihan ang mga salitang binitawan nito dahil in French, alam niyang hindi maganda ang tinuran nito. Naintindihan naman ito ni Chris nang ipaliwanag niyang isang trabaho lamang ‘yun. O eh ‘di boyfriend na nga niya si Chris dahil nagselos ito?

Roxanne at Will walang effort sa chemistry

Swerte ng mag-dyowang Roxanne Barcelo at Will Devaughn, ‘di na nila kailangang magkunwari pa para maipamalas ang isang maganda pero, simpleng kuwento ng pag-ibig sa pagitan ng isang lalaki na lumaki sa ibang bansa at ng isang dalagang taga-isla sa isang movie na ­unang pinagsasamahan nila, ang I Found My Heart In Santa Fe.

Sabi nga ng direktor nila sa movie na si Bona Fajardo ay hindi na  nag-effort pa ang dalawa para magkaroon ng chemistry, lumabas ito ng natural. Nakatulong pa ng malaki ang kagandahan ng lugar na kung saan ay kinunan ang pelikula, ang Bantayan Island, Cebu na tahimik, maganda at hindi pa nababahiran ng komersyalismo na  tulad ng ma­ra­ming lugar sa bansa na ginulo na at ginalaw ng ma­raming bakasyonista, lokal man o banyaga.

Co-producer ng BluArt Productions ang magkarelasyong artista ng pelikula na tinutulungan ng FDCP at CineLokal para mapanood sa maraming sinehan simula sa Setyembre 15, araw ng Biyernes, at hindi Miyerkules na karaniwang araw na nakagisnan natin na pagsisimula ng pagpapalabas ng maraming pelikula. 

Pag-Amin ni Nadine nasayang?

Nakakahinayang lang na kung kailan sinabing next level ang relasyon nina Nadine Lustre at James Reid at saka pa sila nagkanya-kanya. Napa­kasakit naman dahil naapektuhan na ng malaki si Nadine. Bukod sa na-bash na siya at nilait-lait dahil sa ginawa niyang pag-amin na umano’y live in sila ay nagalit pa ang lahat sa sinabi niyang hindi na raw bago sa panahon ang live in dahil pinapraktis na ito ng marami.

Wala ba siyang nararamdamang pagsisisi ngayon? Hindi naman sila mawawalan ng proyekto ni James kahit maghiwalay sila, may nakatakda na silang gawin na hindi nila kasama ang isa’t isa. Hindi naman sila madedehado bilang solo artist, mami-miss lang sila ng fans. Maaga kasi silang bumigay sa kanilang damdamin. Tsk. Tsk. Tsk.

Robin Hood may stunts agad

Hindi binigo ng Ang Pagbabalik ni Alyas Robin Hood ang mga suki nila dahil tama ang double the action na na-feel nila sa pilot week. Hands down ang lahat sa walang kupas na husay ni Kapuso Primetime King Dingdong Dantes. Grabe naman kasi ang mga stunt na ginawa agad ng character niyang  ni Pepe. If pilot week pa lang maaksyon na, siguradong mas maraming action-packed scenes pa ang masasaksihan sa susunod na episodes.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with