^

PSN Showbiz

JaDine bubuwagin muna

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon

Marian sinagot na ang pagkalas ni Andrea sa manager

PIK: Nagdesisyon na ang Viva Films na paghiwalayin muna ang JaDine loveteam na sina James Reid at Nadine Lustre.

May sarili silang pelikulang gagawin, ang Pedro Penduko kay James at meron namang isang suspense thriller si Nadine na kukunan pa sa Japan kasama si Lorna Tolentino.

Ang magpu-produce nito ay ang IdeaFirst Company ng mag-partner na direk Jun Lana at Perci Intalan. “Pumayag ang Viva na solo production namin,” pahayag ni direk Jun.

Mas gusto na raw nilang sila mismo ang magpu-produce at idi-distribute na ng Viva dahil mas naku-control nila at full blast na rin naman talaga ngayon ang kanilang IdeaFirst Company.

Kamakalawa nga ay pormal nang in-announce nina direk Perci at Jun na fulltime na sila sa kanilang IdeaFirst at dito na rin nila ipinakilala ang iba pa nilang hawak na bagong direktor na galing sa workshop ni direk Jun.

Isa sa mga direktor na alaga nila ay si Prime Cruz na direktor ng Ang Manananggal sa Unit 23B na napapanood na ngayon sa Pista ng Pelikulang Pilipino (PPP).

PAK: Nag-break na pala sina Edgar Allan at Shaira Mae na nasa Trops pa rin hanggang ngayon.

Naibahagi ito ni EA sa press launch ng My Korean Jagiya na magsisimula na sa August 21. Tingin daw niya ay nabulag siya noong panahong in love na in love siya at sinubukan niyang pagsabayin ang career at pag-ibig pero hindi raw nag-work. Kaya ngayon ay focus na siya sa trabaho at thankful siya sa GMA 7 dahil binigyan siya ng project kahit madalas ay nasa Kapamilya network siya.

“Gusto ko munang magtrabaho ngayon,” sabi ni EA na mukhang balak yatang maghanap ng igi-girlfriend sa Kapuso network.

BOOM: Nagulat ang mga executive ng Hana Shampoo nang mahaluan ng intriga ang launching ng mga bagong variant ng naturang shampoo kung saan si Marian Rivera pa rin ang endorser.

Hindi naiwasang maitanong kay Marian ang matagal pa rin nilang isyu ni Andrea Torres na kung saan siya nga raw ang dahilan kung bakit umalis na si Andrea sa Triple A na nagma-manage sa kanilang dalawa.

Ayaw na nga sanang pag-usapan pa ito ni Marian dahil mas gusto niyang maging positibo ang lahat.

Pero sinagot na rin ito ng GMA Primetime Queen. Nilinaw niyang wala siyang kinalaman sa pag-alis ni Andrea sa Triple A at nagpa-handle na ito sa GMA Artist Center.

Sabi ni Marian, “Mas powerful pa ba ako kay Mr. Tuviera?

“Kung ano man ang dahilan kung bakit siya umalis ng Triple A, parang labas na yata ako dun.”

Mas type na lang ni Marian na pag-ukulan ng pansin ang magandang relasyon niya sa mga ini-endorse niya. Kagaya nitong Hana na wala na silang naisip na puwedeng mag-endorse kundi si Marian lang dahil siya lang daw ang effective na naglalarawan ng isang tunay na Pinay.

Nagpapasalamat naman ang Kapuso actress sa malaking tiwala ng Hana Shampoo sa kanya.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with