^

PSN Showbiz

Female personality bad trip sa mabaho!

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Isang gabing malakas ang buhos ng ulan ay nagkape-kape muna sa isang bar ang magkakaibigan na magkakaiba ng network na pinagli­lingkuran. Magkakaibigan sila kahit pa magkakalaban ang mga programang hinahawakan nila.

Natural, kapag magkakatropa na ang magkakausap, wala nang control ang kanilang kuwentuhan. Kung saan-saan na napupunta ang kanilang paksa, iba-ibang personalidad na ang nadadamay, tulad na lang ng isang kilalang female personality na bumida sa kanilang istor­yahan.

Ay, ang dami-dami nilang kuwento, pero ang pinakaimportante na lang ang ikinuda ng isang source sa umpukan na hanggang sa kadulu-duluhan ng kanyang buhay ay hindi makalilimot sa naranasan nito sa pakikipagtrabaho sa pamosong female personality.

“Sobrang vain niya. Siya na yata ang pinaka-vain na artistang nakatrabaho ko. Bago siya dumating sa set, may advance party na siya. Para silang may iniimbestigahan, binubusisi nila ang kapaligiran.

“Maya-maya, e, may kukunin na sila sa malalaking bag na dala-dala nila, iispreyan na nila ang buong paligid. Lahat ng sulok, kailangang ispreyan, kasi nga, matalas ang pang-amoy ng boss nila.

“Konting hindi kagandahang amoy lang, e, makasisira na sa maghapon niya. Ayaw niya sa mabahong paligid, ayaw niya sa mainit na place, kaya kailangang nakatodo na ang aircon sa tent bago pa siya dumating,” kuwento ng miron.

Sabi ng isa pang source sa umpukan ay nakatrabaho na rin nito sa isang awards night ang pamosong female personality. Isa siya sa mga host. Ganu’n din ang kuwento.

“Alas-kuwatro nang hapon ang calltime niya. Pero ala-una pa lang, e, nandu’n na sa venue ang staff niya. May-I-spray na sila sa kapaligiran. Kailangang solo lang siya sa dressing room.

“E, hindi kagandahan ang flooring ng CR ng dressing room. Iinit ang ulo ng boss nila kapag ganu’n, baka masabi pa niya sa pagho-host niya na hindi okey ang CR ng dressing room niya.

“Ang ending, bumili agad ng carpet ang mga tao niya, ginupit-gupit nila ‘yun hanggang sa matakpan ang buong floor ng CR. Ikaw na! Ikaw na ang maging siya! Yayamanin naman kasi siya!

“Pinapalitan din niya ang mga ilaw sa dressing room, malalabo na raw kasi ang bombilya, gastos niya ‘yun, hindi siya nanghingi ng budget sa production. Ikaw na talaga ang maging siya! May K naman siyang gawin ‘yun dahil sa mga milyones niya!” tawa nang tawang kuwento ng source sa umpukan.

Ubos!

Kawawang Sen. Kiko at Mariel Sharon inaangkin si Robin!

Sabi ng isang source ay wala na naman daw sigurong magawa si Sharon Cuneta kaya nakatanghod na naman ang Megastar sa kanyang laptop. Si Robin Padilla naman ang napagtuunan niya ng a­tensiyon ngayon sa social media.

Binalikan ni Sharon ang nakaraan nila ng action star, ang kanilang relasyon na dapat ay mauuwi na sa kasalan, pero biglang nadiskubre ni Sharon na may Liezel Sicangco pala si Binoe.

Hindi na idinetalye ni Sharon pero sa eroplano niya nalaman ang lihim. May nakapagsabi sa kanya na inihatid ni Robin sa Australia si Liezel, nagdadalantao, na malapit nang ikahimatay ni Mega.

Nauwi sa wala ang kanilang pagmamahalan. Galit na galit si Sharon. Napakatagal niyang iniyakan ang senaryo. Gusto na niyang kantahin nu’n ang pamosong piyesa ng mga lasing na “Pasumpa-sumpa ka pa, #$*%na ka! Na mahal na mahal mo ako, &%$#na mo!”

Pero iba na nga ang eksena ngayon. Ginamot na ng panahon ang galit niya kay Robin. Best friends na sila ngayon. At naglitanya si Sharon na kahit kailan ay hindi siya pinabayaan ng action star kahit pa hindi sila nagkatuluyan.

“Robin ko” ang tawag ni Sharon sa aktor, isang bagay na pinuna sa kanya ng mga netizens, hindi raw kaya naiisip ni Shawie ang kanyang mister na senador na puwedeng maapektuhan sa kanyang post tungkol kay Robin?

Sana raw ay maging sensitibo naman si Mega dahil meron na siyang mister, may misis na rin si Binoe, kaya huwag na sana niyang binabalik-balikan pa ang kanilang nakaraan ni Robin Padilla.

“Robin ko” ang tawag niya sa action star sa kanyang post. Paano kung may isang babae raw namang tumawag sa senador ng “Kiko ko,” hindi raw kaya magwala si Sharon, tanong ng ating mga kababayan.

Ha! Ha! Ha! Ha!

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with