^

PSN Showbiz

Bossing uunahin muna si Dawn

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon

Nag-first day shoot kahapon (August 8) ang horror movie na The Haun­ted: Spirit of the Glass 2 ng OctoArts Films mula sa panulat at direksiyon ni Joey Ja­vier Reyes na siya ring nagsulat at nagdirek ng matagumpay na naunang Spirit of the Glass in 2004 na tinampukan nina Dingdong Dantes, Rica Peralejo, Marvin Agustin, Alessandra de Rossi, at Ana Capri.

Ang The Haunted: Spirit of the Glass 2 ay tinatampukan nina Cristine Reyes, ang beauty queen-turned actress na si Maxine Medina, Ashley Ortega, Enrico Santos, Daniel Matsunaga at iba pa.

Ibinahagi sa amin ng OctoArts Films big boss na si Boss Orly Ilacad  ang tatlo sa mga pelikulang magkakasunod na sisimulan sa buwang ito at kasama na rito ang Metro Manila Film Festival (MMFF) movie ni Bossing Vic Sotto, ang Love Traps na pagtatambalan nila for the first time ni Dawn Zulueta. Ma­ka­kasama rin sa movie si Baeby Bas­te (Sebastian Benedict Granfon Arum­pac) ng Eat Bulaga, ang Kapamilya stars na sina JC Santos at Sue Ramirez at Kapuso stars na sina Andrea del Rosario, Gabbi Garcia, Ruru Madrid at iba pa.  Ito’y pamamahalaan ni Chris Martinez.

Ang Love Traps ay joint venture ng OctoArts Films with Vic Sotto’s M-Zet Productions and Tony Tuviera’s APT Entertainment. Shooting starts on August 18.

FDCP umingay kay Liza Diño

Nangako ang chairperson ng Film Development Council of the Philippines (FDCP) na si Liza Diño-Seguerra na sa 12 kalahok sa kauna-unahang Pista ng Pelikulang Pilipino (PPP) na gaganapin ngayong August 16-22 ay walang magpi-first day last day sa mga entries pero after three days ay mababawasan ng mga sinehan ang mahihinang pelikula para idagdag sa malalakas na movies.

Ang twelve entries ay ipapalabas in 790 theaters nationwide at walang banyagang movie na ipapalabas habang ongoing ang Pista ng Pelikulang Pilipino.

Samantala, gaano kaya katotoo ang balitang nakarating sa amin na hindi umano pantay-pantay ang distribution ng sinehan sa 12 kalahok sa PPP? Llamado pa rin umano ang mga major film producers kumpara sa mga independent film producers. Hindi na nga raw pantay ang theater assignments, ‘yung iba pang sinehan ay naka-slide na ang ibig sabihin ay hindi solo ang sinehan ng isang pelikula kundi may ka-share pa itong ibang movie.

Sa palagay ko, isa ito sa mga birth pains ng nagsisimulang Pista ng Pelikulang Pilipino o PPP.

Ganunpaman, dapat pa ring papurihan si Liza dahil siya ang nakaisip at bumuo ng PPP na maiiwan niyang legacy sa industriya ng pelikulang Pilipino kapag wala na siya sa puwesto.

Si Liza ay isa rin sa mga moving forces ng Metro Manila Film Festival (MMFF).

Sa totoo lang, nang ma-appoint si Liza bilang chairman ng FDCP, doon lamang umingay ang sangay na ito ng pamahalaan.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with