^

PSN Showbiz

Kim tinatawanan lang ang selos ni Xian kay Gerald!

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Kim tinatawanan lang ang selos ni Xian kay Gerald!

Kim Chiu

Pinagseselosan na diumano ni Xian Lim si Gerald Anderson dahil muling nakatambal ng huli si Kim Chiu sa teleseryeng Ikaw Lang Ang Iibigin.

Matatandaang naging magkasintahan sina Kim at Gerald ilang taon na ang nakalilipas at sinasabing matagal-tagal na rin daw na may espesyal nang ugnayan ang aktres at si Xian. “Tawanan na lang natin, alam naman niya (Xian) na work lang iyon. Pero siyempre hindi maiiwasan, basta work naman iyon eh,” makahulugang pahayag ni Kim.

Kamakailan ay napabalitang nagkakalabuan na raw ang dalaga at si Xian kaya nagbigay ng paliwanag ang aktor tungkol dito. “I get it if people will have that conclusion. I mean, I can’t say that it’s completely okay but it’s part of it. It’s easy kasi to get confused with the characters we portray in the teleseryes and the movies and in personal life,” paliwanag ni Xian.

Daniel parang si Robin na

Masayang-masaya si Daniel Padilla dahil sa magandang feedback ng mga manonood sa teleseryeng La Luna Sangre na pinagbibidahan nila ni Kathryn Bernardo. “Sobrang pasasalamat ko siyempre sa mga Kapamilya natin na sumusuporta. Siyempre talagang nababalitaan namin na tuwang-tuwa sila sa mga eksena na napapanood nila. Kami naman sa parte namin ay mas lalo pa naming pagbubutihan,” bungad ni Daniel.

Mas marami pa raw na kaabang-abang na mga tagpo ang dapat na pakatutukan ng mga manonood sa mga susunod na araw.  Maraming mga eksenang aksyon ang ginagawa ngayon ng binata sa serye. Magtutuluy-tuloy na kaya ang pagiging action star ni Daniel katulad ng kanyang tiyuhin na si Robin Padilla? “Marami pa kong kailangang gawin. Marami pa akong kakaining bigas para maging action star. Exciting talaga siya and siyempre bago rin ‘yon sa akin and ang pamilya ko naman may gusto sa action. So masaya ako na naging parte ako (ng teleserye),” paliwanag ng aktor.

Kamakailan ay pumutok ang balitang si Daniel diumano ang makakatambal ni Liza Soberano para sa pelikulang Darna.  Ayon sa aktor ay wala naman daw nagsasabi sa kanya tungkol dito. “Hindi, wala naman nabanggit na gano’n sa akin. Ano lang ‘yon, ilusyon ng ibang tao. Ako, parang malabo naman na makita n’yo ako bigla. Tsaka may La Luna Sangre ako, malabo ‘yon,” giit ni Daniel.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with