^

PSN Showbiz

Juday at Angelica magpapagalingan sa pelikula!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon

Pagbibidahan nina Judy Ann Santos at Ange­lica Pa­nganiban ang pelikulang ididirehe ni director Jun Lana sa Star Cinema at co-produced ng Quantum Films. May pamagat na Ang Dalawang Mrs. Reyes.

Comeback movie ni Judy Ann ang nasabing pelikula. Ang suwer­te ng aktor na mapipiling leading man ng dalawang mahuhusay na aktres.

Samantala, hindi lang magagandang pelikula ang ginagawa ng The Idea First nina direk Jun at direk Perci Intalan. Nananalo rin ng acting awards ang mga artista na nagbibida sa ginagawa nila.

Jennylyn matututukan na si Jericho

Nagsimula nang mag-shooting si director Dan Ville­gas ng Metro Manila Film Festival (MMFF) entry na Almost Is Not Enough na muling pag­bi­bidahan nina Jericho Rosales at Jennylyn Mer­cado. Unang napanood ang tambalan ng dala­wa sa #WalangForever, entry sa 2015 MMFF. Ang Quantum Films pa rin ang producer nito.

Makakapag-focus si Jennylyn sa shooting ng 2017 MMFF entry dahil patapos na ang My Love From The Star (MLFTS) nila ni Gil Cuerva. Iyong Reality movie ni Jennylyn na sabi ay may November playdate, hindi pa nasisimulan.

Anyway, sa Manila Film Cen­ter ang location ng isa sa highlight ng MLFTS at dito nag-ca­meo ang ilang Kapuso stars.

Gabbi Itinanggi ang verbal abuse kay Ruru 

Finally, natanong si Gabbi Garcia sa matagal nang tsika na isa sa mga rason ng break-up nila ni Ruru Madrid ay dahil sa verbal abuse. Tinatalakan daw niya ang aktor kahit may ibang tao sa pa­li­gid at nakara­ting ito sa parents ni Ruru at nagalit kaya ang ending ay naghiwalay ang da­lawa.

“Hindi totoo ‘yan. If may verbal abuse o na-verbal abuse ko siya, sana hindi kami totally bati. Never kong sinabihan ng masama si Ruru and I don’t think na papayag siyang i-verbal abuse ko siya. Honestly, hindi ko alam kung saan ga­ling ang isyung ‘yan. Kahit nga noong pumasok si Kylie (Padilla) sa love team namin sa Encantadia, wala akong reklamo. Nagulat lang ako dahil may fans kami ni Ruru na nasaktan at ayaw kong naha-hurt ang fans,” sagot ni Gabbi.

Kaya ikinatuwa ni Gabbi na magkasama sila ni Ruru sa Sunday PinaSaya dahil napapanood pa rin sila ng fans na magkasama. 

Hindi pala naniwala si Gabbi na mami-miss siya ni Ruru paglipad niya sa Nice, France for MEGA magazine pictorial. Busy raw si Ruru sa bagong show nitong Alyas Robin Hood 2 at sa rehearsal para sa second anniversary ng Sunday PinaSaya.

Andrea may bagong ‘lovelife’

Nag-pictorial noong Monday ang cast ng Alyas Robin Hood 2 para sa publi­city photos ng action series. Madalas nang ipalabas ang teaser ng show.

Isa sa tuwang-tuwa na may Book 2 ang Alyas Robin Hood si Rob Moya na nasa Book 1 rin ng action series. Madalas daw niyang makikita at makakasama si Andrea Torres na biggest crush niya noon pa.

“I find her really attractive in and out sobrang bait. Life changing kung ma­ging girlfriend ko siya. Alam niyang crush ko siya, pero hindi pa ako nanliligaw, kinakabahan pa ako. Pero gusto ko talaga siyang maging GF,” wika ni Rob.

Dagdag pala sa bagong cast ng Alyas Robin Hood 2 si Jason Francisco, ang asawa ni Melai Canteveros. Sa picture na nakita naming kuha sa ta­ping, kasama ni Jason sina Dingdong Dantes at Tess Bomb.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with