^

PSN Showbiz

Yaya ni Alfred ninang sa kanyang kasal!

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon

PIK: Finally, mapapanood na rin ang bagong afternoon drama series ng GMA 7 na pagbibidahan ni Kris Bernal na Impostora.

Sa darating na Lunes, July 3 na ang airing nito na ipapalit sa time slot ng magtatapos nang Legally Blind.

Kaya masaya si Kris na nag-post sa kanyang Instagram account, “I can’t wait for you all to see my new drama series because it’s just THAT good, hell of a hard work, and airing got delayed for months due to afternoon shows’ further extension.”

PAK: Umaasa si Francine Prieto na pagbibigyan na ng Bureau of Immigration na makapasok uli ng bansa ang asawa niyang si Frank Arthur Shotkoski.

Gusto na raw sana niyang makabalik ng bansa para personal na siyang makahingi ng paumanhin sa Immigration Officer na namura niya.

Saad ng aktres, “Willing po siyang bumalik at mag-apologize personally sa lahat ng na-offend niya nung mga oras na ‘yun.

“Wala naman po siyang criminal record anywhere in the world. Naaksidente lang po siya talaga, at ‘yun lang po talaga ang naramdaman niya nun, pero siyempre kahit sabihin nating naaksidente siya, may na-offend po siyang tao, lalong-lalo na ang mga Immigration officers kaya po sobra po talaga siyang nag-apologize.

“Kahit nag-apologize na po siya sa kanila, too late na rin kasi iba na ‘yung mood eh, nagkagulo na.”

Kahit pagkukulang naman ng Ninoy Aquino International Airport ang nangyari sa kanyang asawa, wala raw itong planong magdemanda dahil mas gusto niyang ayusin na at siya na mismo ang willing na humingi ng paumanhin.

Bahagi si Francine ng bagong afternoon drama ng GMA 7, ang Haplos na mapapanood na sa July 10.

BOOM: Hindi na nakadalo si Cong. Alfred Vargas sa press launch ng bagong pelikula niyang Sikreto ng Piso na balak isumite sa Metro Manila Film Festival (MMFF).

Sa July 23 na ang church wedding nila ng asawa niyang si Yasmine Espiritu at hands-on ang preparation nilang mag-asawa.

Hindi pa muna inilabas nina Alfred ang entourage, kaya nakibalita na muna kami kung sino ang mga tatayong ninong at ninang.

Ayon sa aming source, ka­sa­ma sa magni-ninang at ninong sina Kris Aquino, Mar Roxas, ang dati niyang producer na si Robbie Tan at siyem­pre ang manager niyang si Lolit Solis.

Ang nakakatuwa pa raw, kinuhang ninang ni Alfred ang matagal na niyang yayang nagpalaki sa kanya.

Isa sa mga araw na ito ay ilalabas na ni Alfred ang buong entourage at ilan pang detalye ng kanilang kasal.

Maaaring pagkatapos na ng kasal siya magsimulang mag-shoot sa possible entry nila sa MMFF.

Hihintayin din muna nila ang resulta ng apat na script na napili na dapat ay ia-announce bukas.

Pero naglabas ng announcement ang isa sa miyembro ng Executive Committee na si Noel Ferrer na na-move ng Lunes, July 3 ang announcement dahil nag-focus muna sila sa pagsisimula ng Pista ng Pelikulang Pilipino (PPP) na proyekto ng Film Deve­lopment Council of the Philippines (FDCP) ni Liza Diño.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with